Connect with us

Entertainment

Ruby Rodriguez, Masaya at Nagpapasalamat sa Muli nilang Pagkikita at Pagsasama ng Anak na nasa Los Angeles, California

Wala nang mas sasaya pa sa isang pamilya kundi ang maging buo at magkakasamang muli. Minsan may mga bagay at mga rason na nagiging hadlang ng hindi pagkakasama ng isang pamilya. Subalit, dumarating ang pagkakataon na muling pinagtatagpo at pinagsasama ng pagkakataon. Iyon ay hindi matutumbasan ng anumang materyal na bagay.

Isa na marahil sa pinaka masayang araw ng host, komedyante, at aktres na si Ruby Rodriguez ang muli nilang pagkikita ng kanyang anak na nasa Los Angeles, California.

Sa kanyang IG post, ibinahagi nya ang kanilang muling pagkikita ng anak. “when u finally see the lady you miss and you’re with family Smile!!!” caption nito sa larawang ipinost. Sa wakas ay nagkasama silang muli ng kanyang anak na si Antoinette Nicole Aquino at Don AJ.

Mapapansin sa larawan na masayang-masaya silang nagkaroon muli ng pagkakataon na magkasama. Ayon pa kay Ruby, kahit anong hirap ang dumating basta’t kasama ang pamilya, nagiging mas madali ang mga ito. “(love) is in the air no matter how hard it is now. As long as we have family and friends its easier to bear. But with God anything is possible… night y’all” caption nito sa kanyang post.

Nagbahagi din ng komento ang anak na si Antoinnette at nagsabing “I love the thought of getting off work knowing I end my day with you guys”.

Maaalalang naging positibo sa COVID-19 ang kapatid ni Ruby na si Dra. Sally Gatchalian at ito ay hindi gumaling hanggang sa binawian ng buhay. Naging mahirap para sa aktres at sa kanyang pamilya ang pagkawala ng kanyang kapatid.

Samantala, naging PUI naman ang buong pamilya nito dahil sa pangyayari. Isinugod din si Ruby sa ospital at naging labis ang pangamba ng anak dahil malayo ito sa piling ng ina. Subalit, napag-alaman na nagkaroon lang ang aktres ng sakit sa tiyan.

Tunay ngang pamilya ang unang takbuhan at sandigan natin sa buhay lalo na sa panahon ngayon.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending