Hindi madali ang magpagawa ng bahay lalong-lalo na kapag ikaw ay hindi personal na nakasubaybay, dahil ikaw ay nasa malayong lugar. Ito nag sentiment ni Rufa Mae Quinto-Magallanes. Subalit sa kabila ng pagiging malayo, proud na ibinahagi ng dating aktres ang ipinagawang bahay sa Quezon City.

credit to rufamaequinto | ig
“Ito yung bahay namin sa Pilipinas na uuwian namin kapag pwede ng umuwi. Imagine habang pandemic, nag papagawa ako ng bahay, habang andito ako sa malayong lugar, sa America, andyan yang lock down, stop close, open, ecq, mcq, gcq , etc…. pero sa awa ng Diyos, Pa tapos na ang bahay, naitawid ang Lahat . Kaka miss … pero wait wait Lang… Todo na to! Go go goals god will provide amen ito din yung katas ng labor of love. Ito din ang isa sa dahilan Bakit miss na miss ko ang Pilipinas.” Wika ni Rufa Mae.

credit to rufamaequinto | ig
Sa kabila umano ng kinakaharap na suliranin dahil sa crisis na dulot ng pandemya, masaya umano ang aktres dahil nairaos ang pagpapagawa ng kanilang bahay na malapit nan gang matapos.
Ipinasilip nito sa kanyang latest Instagram post ang ilang bahagi ng kanilang bahay. Kasalukuyang nasa California, USA, si Rufa Mae kasama ang kanyang pamilya.

credit to rufamaequinto | ig
Ayon din sa kanyang post sa IG, nagulat din siya noong biglang inanunsyo ang paglockdown. “Miss ko na ang Pilipinas Kong mahal… gusto man namin umuwi, Wala ako Magagawa Kundi mag extend ng mag extend para sa safety naming mag ina… So, I told myself, kahit Anong plan, you will never know, can never tell, what’s going to happen. Mabuti na lang Andito kami sa Asawa ko, @trevvvsilog sama sama. Thanks for taking care of us,” Banggit pa nito.

credit to rufamaequinto | ig
Si Rufa Mae ay sumikat sa pangalang “Booba”at “Bobita Rose” dahil sa kanyang pag ganap sa ‘That’s Entertainment’ noong 1996 at sa Gloria, Gloria Labandera noong 1997.
Maaalalang mayroong ilang mga nakarelasyon at napabalitang naka-date sa showbiz si Rufa, kagaya nina Dingdong Avanzado, at Erik Santos. Subalit napangasawa nito ang isang financial analyst na si Trevor Magallanes at ikinasal noong November 25, 2016 sa Quezon City.
Biniyayaan naman sila ng isang anak na babae na si Athena na ngayon ay tatlong taong gulang na.