Connect with us

Entertainment

Sa edad na Limang taong gulang, anak ni Neri Miranda may sarili ng condo

Sa tahanan nagsisimula ang paglago ng isang bata. Dito sila unang natututo ng tamang asal, pagsulat at pagbasa. Ngunit kaakibat nito ay dito rin nakikita ng bata ang estado ng buhay nila. Naoobersbahan ng mga bata kung paanong nag-uusap ang mga magulang pagdating sa pagbili ng mga needs ng tahanan at ng mga bata mismo. Ito ang magandang training ground din sa mga bata, ang usaping pinansyal.

Bago pa man ang showbiz ay kilala na si Neri bilang isang business minded na tao. Bukod sa galing sa pag-arte ay magaling din siyang mag handle ng business. Mapapansin natin na ang kanyang panganay na anak ay lumalabas na sa mga endorsements. At bilang isang wais na Nanay ay siniguro ni Neri na sa tamang investment mapunta ang kinikita ng kaniyang anak.

Sa Instagram post ng aktres ay proud na proud niyang ibinahagi ang condo ng kaniyang anak sa Quezon City. “Since may mga endorsements na si Miggy, inipon ko ang money niya para makapaginvest at mapagkakitaa pa rin. Para habang bata pa, may Negosyo na siya. Tuturuan naming ang mga bat ana maging financially literate,” ayon kay Neri.

“I think ayon ang dapat matutunan nating lahat kahit nung bata pa lang tayo eh. Pero it’s not too late sa atin kahit anong edad pa tayo. Ang mahalaga, nagsisimula na tayo. “dagdag pa niya.

Condo ang pinaka unang investment ni Miggy at talaga namang mapalalago niya ito sapagkat plano naman ni Neri na paupahan nalang muna ito ng sa ganoon ay patuloy padin ang pagpasok ng pera na deretso naman mismo sa Bank Account ni Miggy.

Sa panahon ngayon, doble kayod at maayos na paghawak ng pera ang dapat nating gawin lalo’t hindi natin alam ang mga mangyayari sa mga susunod na araw. Mas magandang mayroon tayong nakaimpok para sa darating na bukas lalo kung tayo ay mayroon ng pamilya at mga anak.

Narito ang nasabit ni Neri sa kanyang post By March matatapos na ang Miggy’s Condo! Yahoooooo!

Since may mga endorsements na si Miggy, inipon ko ang money nya para makapag invest at mapagkakitaan pa rin. Para habang bata pa, may negosyo na siya. Tuturuan namin ang mga bata na maging financially literate. I think ayun ang dapat matutunan nating lahat kahit nung bata pa lang tayo eh. Pero it’s not too late sa atin kahit anong edad pa tayo. Ang mahalaga, nagsisimula na tayo. 

Eto ang una niyang investment at negosyo. Diretso talaga sa bank account nya ang kikitain. Isang bedroom condo sa SMDC Grass, sa tabi lang ng SM North at Trinoma. Presell ko nakuha yung condo. Nagsstart palang maglakad si Miggy nun. May nag abot lang ng flyer sa akin sa SM The Block, kinuha ko naman habang buhat buhat ko si Miggy nun. At ang first endorsement nya, @babyflo_ph na agad. Yun na ginamit ko sa mga panimulang payment. After ilang years, buo nang nabayaran. Kaya excited na akong maparentahan, hehe! Para ipon ulit, next project naman sana, if may pasok sa budget.

Daily ang rent, since ipina ayos talaga namin ang condo sa @grupo.santamaria parang nagstay ka na rin sa hotel pero mas affordable. Walking distance pa ang malls.

Update ko kayo soon kung kailan pwede nang marentahan.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending