Naaalala nyo pa ba si Sandara Park? Siya ay isang Korean na sumali sa “Star Circle Quest” dito sa Pilipinas noong 2004. Naging sikat bilang si “Dara” pagkatapos ng patimpalak na ito at nagkaroon sya ng maraming mga proyekto, at pinasok ang karera bilang isang mangangawit. Tinangkilik ng mga Pinoy ang mga kanta nito kaya naman ay naging matagumpay ang kanyang karera.
Pagkalipas ng ilang taon ay bumalik si Sandara sa South Korea, at doon ay nagkaroon din sya ng magandang karera sa showbiz dahil sa husay nito pagkanta at pag-arte. Siya ang naging lead singer sa K-pop group na 2Ne1.
Bumalik na si Sandara sa Korea at doon na namamalagi, ngunit dahil matagal itong nakatira sa Pilipinas ay na-miss umano nito ang ilan sa kanyang mga paboritong Filipino foods.
Sa isang video na ibinahagi ng Korean actor na si Jung Il-woo sa kanyang YouTube channel kamakailan lang, kasama nito si Sandara at ipagluluto ni ang aktres ng kanyang mga paboritong pagkaing Pinoy.
Marami ang kinilig sa video na ito dahil umano ay napaka-sweet ni Ilwoo kay Dara. “I’ll be cooking some Filipino foods for Dara. I’ve actually never been to the Philippines before. I’ve never been there, but I tried my best to search information on YouTube. I also looked everywhere up for the favorite Filipino menus of Dara,” pahayag ni Ilwoo.
Ipinagluto nito si Sandara ng Seafood sinigang at Beef Kaldereta na talagang paboritong Pinoy dishes ng aktres na nagpapa-alala sa kanya ng kanyang buhay sa Pinas noon. Marami ang namangha sa galing ng aktor sa kusina.
Si Yung Il-woo ay nakilala sa kanyang mga proyekto katulad ng Unstoppable High Kick (2006), teleseryeng, The Return of Iljimae (2009), 49 Days (2011), Cool Guys, Hot Ramen (2011), Moon Embracing the Sun (2012) at Cinderella with Four Knights (2016).
Sa kabila ng maraming fans ni Il-woo at Dara, kinumpirma nil ana sila umano ay magkaibigan lamang at close na close sila sa isa’t-isa kaya parang sweet silang panuorin na magkasama.