Saan kaya aabot ng ipon mo? O ano kaya ang maari mong bilhin kapag nag-ipon ka ng pera? O ang tanong ay kaya mo kayang mag-ipon?
Para sa pangarap, Oo kayang-kayang pag-ipunan kung magkakaroon ng disiplina sa sarili at pagsikapan ang pinapangarap. Kagaya ng aktres na si Shaira Lenn Osuna Roberto o mas kilala bilang Sanya Lopez.

Nakilala ang aktres sa mga pagganap nito bilang Lorna sa teleserye na The Half Sisters, at bilang Hara Dayana sa remake ng Encantadia sa GMA network.
Noong nakaraang taon ay ibinahagi ni Sanya at ng kanyang kapatid na si Jak Roberto ang paghahanap ng kanilang bahay na matutuluyan. Subalit, kamakailan lang ay nagbahagi naman ang aktres ng isang malaking sorpresa sa mga tagahanga dahil nakabili na ito ng napakalaking at napakandang bahay.

Ayon sa kanyang post sa IG, “Dati kasi para akong natira sa maliit na apartment, sa may Valenzuela ‘yun. Isang room lang, tas paglabas mo nandoon na lahat, napakaliit. Halos di kasya yung mga gamit.”
“Nag-decide kami lumipat dun sa isang bahay… kasama ko pa yung P.A. ko sa room. Siguro nagkaroon lang kami ng konting kurtina para lang hindi kami magkita-kita. So, minsan nagtiis din ako sa mga ganun,” dagdag pa ng aktres sa kanyang post.

Matagal na umanong pangarap ni Sanya ang pagkakaroon ng sariling bahay, kaya’t ibinigay nya ang lahat ng makakaya upang abutin ito. Mahigpit nap ag-iipon ang ginawa ng aktres, at naging mas maingat ito sa pag-gagastos.
“Hindi ako mahilig lumabas. Hindi din ako mahilig bumili ng mga bags, ng mga shoes, not unless importante at kailangan,” wika ni Sanya.

Isa pa umano sa mga sikreto na nakamit nya ang kanyang dream house ay ang pagsasakripisyo na hindi muna magkaroon ng love life.
“Feeling ko talaga malaking factor ang love life sa pag-iipon for me, kasi kung siningit ko ‘yun baka hindi ako masyado nag-focus,” pagkaklaro pa ni Sanya.