Tayo ay may iba’t ibang hitsura at wangis. Nagmula sa ibat ibang lahi kung kaya’t iba’t iba din ang kakayahan at natatanging pisikal na kagandahan. Hindi natin maiaalis sa mundo ang mapansin ang mga may kakaibang kaganadahan at katalinuhan.

Mapapansin din nating may mga taong gumagawa ng paraan upang pagandahin pang lalo ang kanilang mga sarili. Ngunit meron talagang taong kahit anong gawin ay talagang maganda na. Isa dito ay ang aktres na si Sanya Lopez.

Kapansin pansin ang kanyang mga kakaibang larawan. Animoy isa siyang Diwata sa kanyang iba’t ibang suot at arte. Kilala si Sanya Lopez bilang isang artista at mang-aawit. Siya rin ay gumaganap sa drama rama sa hapon na “Half Sisters” bilang si Lorna.
Matatandaang noong 2016 ay mas lalong naging matunog ang kanyang pangalan noong siya ang napiling gaganap bilang bagong Hara Danaya ng Encantadia. Ito ay ang pinakamalaking telefantasya ng Pilipinas sa ilalim ng GMA Networks. Unang naipalabas noong 2005.

Tinangkilik ng mga tao ang Encantadia noong 2005 kung kaya’t naisipan itong gawan ng mas pinagandang kwento at may mga panibagong twist na talagang inabangan ng lahat.
Sa likas na galing ng aktres ay naging kaliwa’t kanan ang kanyang mga projects. Isa din marahil ang kanyang natatanging ganda na kahit anumang kasuotan o anumang rule ang ibigay sa kanya ay nagagawa niya ng maayos. Nito lamang nakaraan ay naging usap-usapan ng mga netizens ang kanyang IG post.

“Uwian na may nanalo na huhu. Gandaaa”.
“Pinaka magandang dyosa.”
“Grabe, goddess.”
Si Sanya Lopez ay lumaki sa Malolos, Bulacan. Ipinanganak noong Agosto 9,1996 ni Shaira Lenn Osuna Roberto. Siya ang nakababatang kapatid ng GMA Network actor na si Jak Roberto. Nadiskubre ni kuya Germs si Sanya noong siya ay 14 taong gulang pa lamang. Naging panata na sa aktres na ang lahat ng kanyang gingawa sa industriya ay iniaalay niya sa kanyang ama.

Ang pangalang Sanya ang bigay sa kanya ng kanyang Manager. Siya ay kasama ng kanyang kuya na naninirahan sa Quezon City. Hindi man lahat ngunit sa pag aartista isa sa puhunan ay ang ganda. Isa ito sa dahilan para mging kapansin pansin ka. Ngunit gaya ni Sanya kailangan nating paalalahanan ang ating sarili na ang tunay na kagandahan ay wala sa panlabas na kaanyuan.
Source: Sanya Lopez Instagram