Connect with us

Entertainment

Sarah Genomino at Matteo Guidicelli Masayang Nagdiwang ng Kanilang Late Honeymoon sa Amanpulo

Noong Pebrero ay naging mainit na usap-usapan ang kasal nina Sarah Genomino at Matteo Guidicelli dahil umano ay isinikreto ito sa ina ng aktres na si mommy Divine.

Pagkaraan ng mahigit apat na buwan ay sa wakas nakapag honeymoon sa wakas ang bagong mag asawa sa isang eksklusibong resort sa Palawan, sa Amanpulo.

Kasabay din sa kanilang pag-honeymoon ang pagdiriwang ni Sarah ng kanyang 32nd na kaarawan.

Kita sa litratong inapload ni Matteo sa kanyang Instagram account na masayang-masaya ang dalawa sa kanilang bagong buhay bilang mag-asawa. “Happy birthday my lovely wife. I’m so proud of you. You deserve all the happiness and positivity that life has to offer. Whatever dreams you want to achieve, I’m here by your side. You are so beautiful. Happy birthday!” bati ni Matteo kay Sarah sa kanyang IG post.

Kasama naman umano ng couple sa kanilang bakasyon sa Amanpulo sina Dra. Vicky Bello, Dr.Hayden Kho Jr. at ang kanilang anak na si Scarlet Snow.

“Happy birthday Sarah. Thank you Matteo for kissing your wife for us. Now, they planted a coconut tree together that will bear fruit for years to come. May God bless you always and keep you safe”, bati ni Dra. Bello sa kanyang post sa IG na nagpapakita ng larawan na hinalikan ni Matteo si Sarah pagkatapos nilang magtanim ng puno ng niyog.

Masayang-masaya ang mag asawa dahil hindi nga sila nakapag honeymoon dahil sa COVID-19. Ang kanilang pag celebrate ay naging inspirasyon sa maraming mga netizens. Maalala din na hindi naging malaking seremonya ang naganap noong sila ay ikinasal.

Ipinapakita lamang nila na ang pagmamahalan ay hindi nasusukat ng mga materya na bagay upang maging masaya at makabuluhan ang pagsasama subalit ito ay nagiging mas matingkad kapag may tunay na pagmamahalan at respeto sa isa’t-isa kagaya lamang ng matagal na pagihintay ng dalawa sa kanilang kasal.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending