Nanny, yaya, yayay, nayay-sila ang mga nagsisilbing pangalawang magulang o ina sa mga bata na naiiwan sa kanilang pangangalaga dahil may trabaho ang mga magulang o hindi sapat ang oras ng mga magulang upang maisabay ang pag-aalaga sa mga bata at sa mga gawain o negosyo.

Minsan mas malapit pa ang loob ng mga bata sa yaya dahil sila ang hands-on na nag-aalaga at nag-aasikaso sa mga pangangailangan nito araw-araw.
Kaya naman minsan ay mahirap para sa bata ang pag-alis ng yaya, at ganun din naman sa yaya na nagiging malungkot na iiwan ang batang pinalaki.

Katulad na lamang ng kwento ni Scarlet Snow Belo at ng kanyang yaya na si Anita Almedilla na taga Negros Occidental.
Naging emosyunal ang bata dahil aalis na sa kanila si yaya Anita at kinailangan na nitong umuwi sa kanilang lugar kung saan naroon ang kanyang pamilya.

“Today is a sad and happy day. It’s sad because my Yaya @athena1974 is going home na to her province. But I’m happy for her because she will see her daughter again after being away for so long,” wika ni Scarlet sa kanyang post.

Kahit na magiging magkalayo na sila ng kanyang yaya, ay batid parin ni Scarlet na maari pa naman silang magkita at magkausap nito sa pamamagitan ng Internet. Kaya’t wika pa nito, “I cried and cried this morning when she was leaving. I hope their internet in their province would be fast so we can keep in touch”.
Sa matagal na panahon ng kanilang pagsasama, napamahal na talaga ang yaya kay Scarlet at wala itong ibang hiling kundi huwag na daw ito maging yaya sa iba.

“I will miss you so much, Yaya. Thank you for loving me and taking care of me and teaching me good values. I will never look for another Yaya. Please also keep your promise that you won’t be a Yaya to someone else, ok! We will be praying for you all the time,” mensahe nito para kay yaya Anita.