Connect with us

Entertainment

Scarlet Snow, Sa Murang Edad Ay Pinakitang Malaki Ang Kanyang Malasakit Sa Kapwa

Bilang mga magulang, isa sa mga nais nating ituro sa ating mga anak ay ang pagiging mabuting tao. Isa ito sa napakagandang pamana sa mga anak na madadala nila hanggang sa kanilang pagtanda.

Kadalasan din ay tayong mga magulang ang salamin ng ating mga anak. Kung ano ang kanilang nakikita sa atin ay maaaring ito rin ang kanilang gayahin.

Isang halimbawa na dito ay ang batang si Scarlet Snow na anak nina Vicki Bdelo at Hayden Kho. Kinagiliwan ng mga nitizens ang bata sa pagtulong sa pamimigay ng Noche Buena Package para sa kanilang 500 na empleyado. Kasa-kasama ni Vicki ang kanyang anak sa pag abot ng mga package sa mga security guards.

Bukod sa pamimigay ng Noche Buena package sa mga empeleyado ay dinagdagan pa nila ito upang ipamigay sa security guards sa kanilang village. Lubos na ikinatuwa ng nitizens ang cute na cute na si Scarlet na animoy si Santa Claus na namamahagi ng regalo at sinsabayan pa ito ng mga nakakatuwang jokes. Umani ng sari-saring mga komento ang post na ito ni Dra. Vicki Belo. Wika ng ilang nitizens:

“Wow scarlet is busy for her good deeds,” alacantara.jaycee

“aww bless your heart Dra Belo and Sarlet. May God bless you always,” palawan_girl072

“generous Dra.. making lives of others better, God bless po, scarlet the angel.” Vickypedersen1970

“kakatuwa kayo Mom & Scarlet.” Gloria_lincuna

Hindi lamang ito ang unang beses na kumilos ang Belo Medical group para makatulong sa iba. Mapapansin na sa isa pang vlog ni Dra. Belo na “Saying Yes to Scarlet for 24 Hours”, isa sa request ni Scarlet ay ang magbigay ng hamburgers sa mga taong nangangailangan ng pagkain sa kalye.

Lubos na natuwa sina Vicki at Hayden sa naging hiling ng bata sapagkat sa murang edad ay nagagawa na niyang makita at maisip ang kalagayan ng ibang tao. Nakakatuwang bukod pa sa Hamburgers na request ni Scarlet ay sinamahan pa niya ito ng coke ng sa ganoon ay may mainom din ang sila.

Source: Scarlet Snow/Dra. Vicky Belo

Continue Reading
Advertisement
Loading...

Trending