Connect with us

Entertainment

Sharon Cuneta, Gaano nga ba Kayaman ang Tinaguriang Megastar ng Philippine Showbiz, Alamin Kung Paano niya Nakamit ang Lahat ng Ito.

Sino ba ang hindi nakakakilala kay Sharon Cuneta? Isa sa mga pinagpipitagan at tinitingalang aktres sa mundo ng showbiz sa bansa.

Isa sa mga batikang aktres si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan na binansagang “Mega Star dahil sa kanyang angking galing at kahusayan sa pag-arte, pagkanta, pati narin sa pagpeperform. Naging sikat na endorser din ang aktres, at TV host.

Hindi mapantayan ang kanyang mga nakamit na tagumpay sa karera sa showbiz. Naging Box Office Queen ng limang beses, ilang beses naging Best Actress, at naparangalan ng ilang beses na sa mga prestihiyosong parangal sa Pilipinas sa larangan ng pag-arte kagaya ng FAMAS, the People’s Choice Awards, the Metro Manila Film Festival, PMPC Star Awards for Movies, KOMOPB Awards, at ang Gawad Genio Awards.

Isang dalubhasa din si Sharon sa larangan ng pag-awit kaya naman matataas din na parangal ang kanyang nasungkit kagaya ng Gold Record, Platinum Record, Double Platinum Record, Triple Platinum Record, Quadruple Platinum Record, Diamond Record, ALIW Award, AWIT Awards, GMMSF Awards at ang Lifetime Achievement Award na ginawad ng Board of Directors of the Philippine Association of the Recording Industry (PARI) sa kanya.

Preview (opens in a new tab)

Kasabay ng kanyang tagumpay, naging usap-usapan din ang makulay na pag iibigan nila ni Gabby Concepcion na nauwi sa kasalan noong September 12, 1984. Nagkaroon sila ng anak na si KC Concepcion. Subalit makalipas ang ilang taon ay naghiwalay din ang mag asawa dahil sa kasal pa umano si Gabby sa naunang asawa.

Pagkalipas ng ilang taon, muling umibig ang aktres at ikinasal kay Francis “Kiko”Pangilinan at nagkaroon din ng adopted na anak na si Miguel.

Ayon sa Top 10 Richest Filipino Celebrities in 2020, pumapangalawa si Sharon Cuneta na mayroong 1 bilyon net worth.

Hindi na nga katakataka kung bakit napakayaman ni Sharon dahil tunay nang isa siyang Mega Star sa kanyang galling at katanyagan sa industriya ng showbiz. Hinding-hindi makakalimutan ng mga pinoy ang kanta nitong Mr. DJ na hanggang ngayon ay alam na alam parin ng nakararami.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending