Si Sheryl Cruz ay isa sa mga sikat na artista na nanggaling sa pamilya ng mga Cruz. Kamakailan lang ay nag trending ang kanilang video kasama ang mga pinsan na sina Sunshine, Donna at Geneva na kumanta ng Breathless ng bandang The Corrs.
Hindi maikakaila na magagaling na singers ang mga Cruz at si Sheryl mismo ay naging isang mahuway na performer at singer din noon na naging daan upang makilala nya ang kanyang dating asawa na si Norman Bustos.

Matagal din na maging mag asawa sina Sheryl at Norman at iakinasal pa nga ito ng tatlong beses at nabiyayaan ng isang anak na si Ashley.
Noong nakaraang taon, June 8, 2019 ay nagtapos sa senior high school sa San Francisco California ang unica hija na si Ashley.
Maalalang nakapanawan ng GMA network si Sheryl tungkol sa kanyang anak noong nakaraang taon.

“I just want her to get her diploma but I told her that if she still wants to do show business, I will support her 110%. I just want her to be properly geared because it’s a different generation nowadays. It’s better to have a fallback than relying on just one profession alone although it’s your passion”, sabi ni Sheryl sa kanyang interview.
Makikita sa social media na dumalo ang ama ni Anshley sa kanyang graduation. Todo suporta naman ang ina nito sa kanya sa kahit na hiwalay na sila ng ama nito. Hindi nga nagkakalayo ang mag ina dahil nakikitaan din umano ng talento sa pagkanta at pagsayaw itong si Ashley. Bukod pa doon ay napakagaling daw nito sa maraming bagay.

“You know, she’s really artistic because she can do fine arts, she can sing very well, she has a beautiful face, and she can do stage,’’ sabi ni Sheyl.
“I know that whatever she desires or course she plans to take up along the way, in the future, would be a good one and I would be supportive of her”, dagdag pa nito.