Si Donita Rose Cavett o mas kilala natin sa pangalang Donita Rose ay isang Filipino-American na aktres, TV host at former MTV Asia VJ. Dating kasal ang aktres kay Eric Villarama at nagkaroon sila ng isang anak. 2015 ng nabalitaang nagkaroon ng problema ang kanilang relasyon at 2016 nga ay ipinagkaloob ang petisyon niya na mapawalang bisa ang kanilang kasal.

Siguro naman ay nagtataka kayo kung bakit hindi na napapanuod sa TV ang aktres na si Donita Rose. Ito ay sa kadahilanang tinalikuran na niya ang kanyang karera sa showbiz noong taong 2020 upang maisakatuparan niya ang pangarap na maging chef sa America.

Nagdesisyong bumalik ang aktres sa America dahil namimiss niya na umano ang kanyang pamilya at gusto niya na itong makasamang muli. Bukod pa rito, inamin din niya na magmula umano na nagkaroon ng pandemya ay nahirapan siyang kumita ng pera dito sa Pilipinas at wala rin itong natatanggap na suporta mula sa ama ng kanyang anak. Ayon ito sa isang panayam sa kanya noon ni Dyan Castillejo.
“My whole l𝔦fe, I’ve been there in the Philippines without my family, so pag bakasyon lang minsan, in the beginning, it was twice a year and then it became once a year and then it became every other year.”
“When I came back during the pandem𝔦c, I just realized how much I m𝔦ssed my fam𝔦ly,” sagot ni Donita sa panayam sa kanya ni Lhar Santiago sa Chika M𝔦nute.

Bahagi pa niya na nabenta na umano halos lahat ng kanyang mga gamit at pagmamay-ari dito sa Pinas. Ngunit sa kabila nito ay hindi naman raw niya sinasara ang pinto sa posibilidad na muling magbalik siya rito sa Pinas at magtrabahong muli rito.

“I dont want to say for good because I had said that so many times before. I’m not closing my doors to the Philippines. Ang problema lang talaga is that my ent𝔦re fam𝔦ly is here in the US.”
“I think going back to the Philippines naman is not a problem because I love the Philippines, I have so many close fr𝔦ends, people I can always tell them na if ever I needed anything from you, I know I could call you.”

Sa ngayon naman ay naisakatuparan niya ang isa niyang pangarap na pumasok sa culinary world. Siya ay corporate chef ngayon sa isang supermarket chain sa America na pagmamay-ari umano ng isang Pinoy.