Connect with us

Entertainment

Silipin ang bahay na ipapamigay ni Donnalyn Bartolome sa kanyang mga subscribers na may halagang 2 Million

Madalas nating mapapansin ang mga kabutihang loob ng ilan sa mga sikat nating Youtuber. May ilan na namimigay ng mga pagkain, tumutulong sa mga mahihirap, namimigay ng regalo sa mga street childrens at kung ano ano pang tulong na maari nilang ibigay sa ating mga kababayan. Isa na rito ang sikat na singer at Youtuber na si Donnalyn Bartolome. Kamakailan lamang nitong January 2022 ay ipinasilip niya ang isang fully furnished na bahay na nagkakahalaga ng 2 million pesos. Ngunit para kanino nga ba ito ?

Hindi lingid sa ating kaalaman na si Donnalyn Bartolome ay floods na ang mga followers sa kanyang mga social media accounts lalo na sa kanyang mga vlogs. At bilang ganti sa mga fans niyang patuloy na kumakapit sa kanya at sumusuporta ay ito ang kanyang handog.

Ito ay 2 storey house na easy access sa lahat sapagkat ito ay malapit sa simbahan at maging sa palengke at paaralan. Fully fursnished nadin ito kung kayat mayroon na itong mga kagamitan kagaya ng TV, electric fan,cabinet,sofa at may air purifier pa. Bongga diba! Hindi lang yan, sapagkat ang dining area nito ay mayroon nading microwave oven at ang mga banyo ay hindi lamang banyo, meron din itong blower at electric toothbrush. At kung nahihirapan kang maglaba ay nakahanda nadin ang washing machine at gas stove naman para sa mabilisang pagluluto.

Pasukin ang bedroom at mayroong isang room na pwede sa may anak  o di kaya naman ay study room na may convertible bed at kasamang cellphone, laptop at maleta. Napaka-swerte ng makakatanggap nito. Sarili na lamang niya ang kanyang dadalhin sa paglipat. Hindi pa riyan natatapos sapagkat kung papasukin mo ang Masters bedroom ay bubungad sau ang isang queen size bed, TV, electric fan, air purifier,bags,at tablet.

Kung kaya’t nakaka-excite malaman kung sino ang ma-swerteng makatatanggap ng regalong ito. Naka follow ka na ba? Follow na! Dahil baka isa ka sa maka-tanggap ng bonggang regalo ito.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending