Connect with us

Entertainment

Silipin ang Bonggang Walk-In Closet ni Gabbi Garcia, Mabibigla ka sa Lawak at Mga Koleksyon Niya

Ilan ang pares ng iyong sapatos? Sandalyas, o ilang bag ang mayroon ka?

Si Gabbi Garcia ay isa sa mga may pinaka maraming followers sa Instagram na umabot na sa mahigit 6 million. Mas nakilala siya sa pag aartista dahil ginagampanan nito ang karakter ni Alena na tagapangalaga sa brilyante ng tubig sa sikat na programang Encantadia sa GMA.

Noong kamakailan lamang ay ipinasilip nito sa kanyang vlog ang kanyang bahay at sinundan naman ito ng kanyang latest vlog na walk-in closet.

Makikita sa vlog ni Gabbi ang kanyang matinding pagkahilig sa mga sapatos, at mga bags na hindi lang basta-basta kundi puro mamahalin at sikat na mga brands.

Ang closet ng aktres ay may sariling mini lounge na may TV, fitting room na may ibat-ibang mga kulay at mayroon ding “bar area” na may space kapag ito ay naghahanda para sa isang event o shoot.

Ang mga sapatos at mga bag ay nakalagay sa isang malaking cabinet na transparent at makikita ang ibat-ibang kulay at disenyo ng mga sapatos. Ilang sa mga brands ng kanyang mga bag ay ay Louis Vuitton, Channel, Kurt Geiger, at Jimmy Choo.

Hindi mabilang kung ilang pares ang sapatos mayroon ito lalo na ang napakaraming sneakers. “Medyo hindi na siya nagkasya so nag overflow na siya sa labas. I endorsed Keds before, so I have a lot of their sneakers. Yung mga pang everyday some nasa baba while some are here”, sabi ni Gabbi.

Ilan sa kanyang mga paboritong sapatos ay ang kanyang pares ng Aquazzura shoes na kanyang nabili sa Paris, at Sophia Webster na iniregalos sa kanya ni Marian Rivera noong ika-18th na kaarawan nito, at ang Kurt Geiger heels na napakaganda.

Ang boung vlog ay naivideo ng kanyang supportive na boyfriend na si Khalil Ramos na tumulong din sa kanya na makompleto ang mga gusting ilagay sa kanyang closet.

Samantala, si Gabbi ay gumawa din ng kanyang munting pamamaraan upang makatulong sa panahon ng pandemya.

Sa kanyang IG post, “Hey guys! Been thinking of small ways to help during this time. If you have any small businesses on IG, please do comment it here with the description! Let’s try to create a thread to help promote these businesses!”sabi nito.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending