Traffic? Marami nga naman itong hindi magandang naidudulot sa bawat byaherong naiipit sa daan at hindi agad nakakarating sa pupuntahan. Hindi na bago ang isyu ng traffic sa kalsada lalo na sa Metro Manila.
Subalit kung ikaw nga naman ay may alam na paraan upang makaiwas sa traffic o hindi naman kaya ay makabawas sa stress na mararamdaman habang nasa gitna ng kalsada ay dapat muna itong gawin.

mariel padilla | instagram
Bilang sagot sa traffic, naging trending at agaw pansin ang napakagandang customized luxury van ng mag asawang Mariel at Robin. Ito ay isang op-of-the-line Hyundai H350 na lalo pang pinaganda ng Tuned In Style.

mariel padilla | instagram
Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Mariel na umaabot ng apat na oras ang kanyang byahe papunta sa kanyang trabaho kaya’t hindi maiiwasan na kakailanganin nitong gumamit ng CR upang umihi lalo na kapag naiipit sa traffic.

mariel padilla | instagram
Ilang milyon din ang naging puhunan upang mabili ang napakagarang van ng mag asawa na may sariling CR, tulugan, mini-bar area, at dining area kung saan sinabi ng aktres na halos araw-araw ay doon daw ito kumakain lalo na kapag ito ay may mga appointments.

mariel padilla | instagram
Makikita sa mga larawan ang magandang interior design at pati na ang mga upholstery na ginamit dito. Napaka komportable at napakamalinis tingnan na parang hindi mo maiisip na ikaw ay nasa loob ng van. Aabot sa pito hanggang walong katao umano ang kasya sa malapad na espasyo sa loob ng van.

mariel padilla | instagram
Ang mga leather na ginamit sa couch at mga higaan ay nagbibigay extra-comfort, pati na rin ang TV, sound system, at lighting ng ilaw ay dagdag sa kagandahan ng sasakyan na nabili ng mag asawa.

mariel padilla | instagram
Maraming mga artista na din ang nag mamay-ari ng mga customized luxury vans kagaya ni Kris Aquino, Vice Ganda, at Manny Pacquiao.

mariel padilla | instagram
Ang swerte nga naman ng pamilya ni Mariel at Robin dahil sa kanilang magandang investment.