Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Magandang Palacio Ng Vlogger Na Si Toni Fowler

Ang bawat isa sa atin ay may mga pangarap na nais nating maabot. Pangarap para sa ating pamilya o maging para sa ating sarili.

Isa na sa nais natin ang magkaroon ng sarili nating bahay. Marahil lahat tayo ay nangangarap magkaroon nito. Engrande man ito o simple, ang mahalaga sa atin ay magkaroon ng masasabi nating ‘sariling tahanan’.

 

Pangarap rin ito ng sikat na vlogger na si Mommy Toni Fowler. Kilala ng karamihan si Toni Fowler dahil sa mga vlogs niyang napapanuod sa youtube man o sa facebook. Marami ang umiidolo sa kanya at marami ring nanunuod ng kanyang mga vlogs dahil sa good vibes na hatid niya.

Dahil sa pagpupursige, sipag at tiyaga ng nasabing vlogger, naisakatuparan ni Toni Fowler ang pinangarap niyang tahanan.

Mapapanuod nga sa isa niyang vlog ang pag-tour sa kanyang mansion na tinawag niyang “Toro de Palacio”.

Ipinasyal niya tayo sa kanyang napakalaking mansion. Napakaengrande itong pagmasdan dahil sa disenyo at pagkakagawa nito. Madarama mo sa bawat lakad at bigkas ng kanyang bibig ang kasiyahan habang kanyang ipinapakita ang nasabing bahay.

Proud na proud ang vlogger habang kanyang ipinapakita ang mga sulok nito. Ibinahagi rin ni Toni ang ideyang gawing dance studio ang kasalukuyang sala para sa kanya at sa anak na si Tyronia.


Sinabi rin ni Toni Fowler na ang bawat sulok ng bahay na iyon ay may floor-mounted air-conditioning unit. Maging ang parking lot nito ay napakalawak rin!

Kanya ring ipinaliwanag kung bakit tinawag niyang Toro de Palacio ang tahanan.

“Kasi sa Toro home, sa dami namin dun, batch by batch(kumain). Ganun yung ganap kasi hindi kami kasya kaya yung iba nakatayo. Pero minsan pinipilit namin, may nakaupo sa lapag, may nasa kusina. Syempre mas masaya yung sabay-sabay kayong kumakain. At dito ako magpapameeting pag [email protected]!p si Mommy Oni. Feeling ko ito ang magiging bonding namin ng aking pamilya, ng Toro Family. Kasi lagi kaming nagba-bonding pag kumakain eh. Sa sobrang busy namin, pag kumakain kami dun na lang kami nakakapagbonding.” pahayag ni Toni.

Tunay ngang nakakaproud at nakakatuwa kung maisakatuparan natin ang ating mga pangarap lalo na kung mula ito sa ating pagsisikap. Patuloy lamang tayong magtiwala sa Diyos at sa ating kakayanan na kaya nating maabot ang lahat nang ito. Manalig at laging isaisip na walang imposible basta tayo’y magsipag at magpursige.

Continue Reading
Advertisement
Loading...

Trending