Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Masayang Married Life Ng Kapuso Star Na Si Joyce Ching At Asawang si Kevin Alimon

Ibinahagi ng mag-asawang sina Joyce Ching at ang non-showbiz husband niyang si Kevin Alimon ang ilan nilang mga larawan sa kakatapos lang nilang ikalawang anibersaryo bilang mag-asawa. Makikita sa mga litrato ang magandang samahan ng mga ito.

December 8, 2019 ng ikasal ang dalawa sa isang outdoor garden wedding sa Baguio Country Club.

Bahagi ng dalawa na pareho nilang ine-enjoy ang buhay may asawa.

Nagsimula bilang mabuting magkaibigan ang kapuso star at ang kanyang mister bago sila naging magkasintahan.

“Nakita ko lang talaga yung heart niya for God. ‘Yun yung pinaka-important na nakikita ko.” Sagot ni Kevin sa isang panayam nang tanungin ito ukol sa desisyong makaisang dibdib si Joyce Ching.

Pinangunahan ni Pastor Paolo Punzalan ang naging kasal ng mag-asawa. Ang nasabing pastor ay anak ng yumaong si Helen Vela.

Nagkakilala ang mag-asawa sa Victory Christian Fellowship Church. Pareho silang miyembro ng nasabing simbahan at dito na nag umpisa ang kanilang love story.

Ibinahagi rin ng kapuso actress na si Joyce Ching ang mga panahong nag-umpisang manuyo ang asawang si Kevin.

“Siya naman, before pa rin siya mag-start manligaw, ang priority niya talaga is to meet my parents and to tell them ‘yung intentions niya na he’s going to pursue me. Nag-start rin siya to introduce himself sa parents and sa family ko. From time to time, sumasama siya sa’min when we go out. Parang hindi lang ako ‘yung na-get to know niya during the courting stage, pati parents and family ko, nakilala rin niya,” banggit ng aktres.

Kita naman na very thankful ang kapuso actress sa pagiging maalaga ng kanyang mister.

“Thank you for being so selfless. Thank you for taking care of me and for always making sure that I’m okay all day everyday, kahit pagod ka from work. Thank you for always helping me and encouraging me to pursue what God wants for me.’ sabi ng aktres ng magbigay ito ng mensahe sa kanyang kaarawan.

Marami naman ang na-inspire ng malaman ng mga tao na sa mismong kasal nilang iyon pa lang nangyari ang unang beses na pagdampi ng kanilang mga labi. Biro pa ni Kevin, “Gusto ko nang matapos, so I can kiss her.”

Pinagdesisyunan ito ng dalawa upang mapanatili ang kabanalan sa relasyon nilang dalawa.

Source: Joyce Ching Instagram

Continue Reading
Advertisement
Loading...

Trending