Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay sa napakaganda, napakakinis, at napakaseksing asawa ng Pambansang Kamao? Marami ang naghahangad ng buhay ni Jinkee Pacquiao, ang asawa ng world champion at senador ngayon ng Pilipinas na si Manny “Pacman” Pacquiao.
Isa ngayon sa mga hinahangaan at madalas na inaabangan ang mga posts sa social media ay si Jinkee Pacquiao. Marami ang napapabilib sa mga larawan na ibinabahagi nito. Maaalalang nagkaroon pa ng isyu noon ang isa sa kanyang mga posts dahil sa komento umano ni Agot Isidro sa post ni Jinkee ng mamahaling bike.

credit to jinkeepacquiao | ig
Samantala, isang post naman ng asawa ni Pacman ang usap-usapan ngayon. Hindi ito tungkol sa kung anumang bagay kundi tungkol mismo sa kanyang buhay.
Walang duda kung bakit ngayon ay napakaganda pa rin ang hubog ng katawan ni Jinkee at may magandang mukha dahil likas na ito sa kanya noon pa man. Sa kanyang larawan na naupload sa kanyang Instagram account nito lamang, makikita ang Jinkee noong dekada 90 pa.

credit to jinkeepacquiao | ig
Ayon sa caption nito, “1995, college days! Habang ako’y nagliligpit ng mga gamit ko nahalungkat ko to sa aking mahiwagang baul. Nung sumali ako ng Ms. AMA Computer College. #crowningmoment
Grabe ang bilis ng panahon! #verythrowback @mannypacquiao.”

credit to jinkeepacquiao | ig
Ang larawan umano na ito ay noong kapanahuna pa ng kanyang “Beauty Queen Days”. “Habang ako’y nagliligpit ng mga gamit ko nahalungkat ko to sa aking mahiwagang baul”, banggit ni Jinkee.
“Guapa na sauna pa. pero nahimoot ko sa mahiwagang baul sa bisaya pa naukban sa kaban hehe. Have a nice day Mam J”, komento naman ni iamsupermom85.

credit to jinkeepacquiao | ig
Samantala, sa isa pang larawan nan ai-throwback din ni Jinkee, ay ang kanyang larawan noong 1996. Isang group photo kasama ang mga kapwa nya kalahok sa isang beauty pageant sa GenSan.
“Flashback Friday. 1996 when i joined “Binibining Heneral Santos” (Ms. Gensan ) Can you spot me in this picture?”, caption nito.

credit to jinkeepacquiao | ig
Marami ang humanga at namangha dahil umano ay parang hindi tumanda si Jinkee, at mas lalo pa raw itong gumanda.