Connect with us

Entertainment

Silipin ang Modern Tropical House ni Maja Salvador na Tinawag Niyang Casa Andres

Sa pambungad na bahagi ng video sinabi ni Maja na ang bahay raw ay family house nila subalit dahil sa pandemya ay pinili muna nitong doon muna manirahan kasama ang kanyang kapatid na lalaki.

“Itong bahay na to ay andami daming memories, at andami nang naging itchura nito. Ilang bese ng pinarenovate, ilang beses nang pinagawa…” wika nito.

Sa simula ng video ay ipinakita ni Maja ang kanilang mini garden kung saan naroon rin ang isang malaking griller na kanyang iniregalo sa kapatid. Mahilig daw umano silang mag bonding at mag picnic sa labas ng kanilang bahay kapag kasama ang pamilya.

Sa living area naman makikita ang napaka aliwalas na espasyo. Mayroong sofa na kulay grey, may mga wooden furniture kagaya ng center table na mahaba, at mga upuan. Ipinakilala din ni maja ang kanyang kaibigan na interior designer din ng kanyang bahay na si Miah Gomez.

Modern tropical ang tema ng bahay ng aktres dahil mahilig umano itong bumyahe at pumunta sa iba’t-ibang mga beach. Dagdag din sa ganda ang mga halaman sa loob ng kanyang bahay kagaya ng palm tree.

Sa kusina naman, mapapansin ang mga wooden high chairs at counters. Mayroon din cabinet sa itaas na bahagi kung saan nakatago ang mga inumin, at mga kitchen utensils. Ayon sa aktres, nakakatulong sa kanya ang kanyang kusina dahil nakakarelax at therapeutic umano ang pagluluto lalo na ngayon panahon ng pandemya.

Sa dining area, may isang malaking lamesa at may mga kagamitan na yari sa kahoy kagaya ng plate holder, at mga upuan. Totoo ngang parang nasa beach resort talaga ang pakiramdam.

Sa huling bahagi ng vlog ay ipinakita ni Maja ang kanilang lanai na naging gym area nadin ng aktres. Naroon ang iba’t-ibang workout machine and equipment. Isa din sa mga ibinahagi nito ang pagkakaroon ng sauna room kung saan kaysa umano ang tatlong tao.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending