Usong uso ngayon lalong lalo na sa mga artista ang “house tour” sa kanilang mga vlogs. Kaya naman nakisabay din sa uso ang aktres na si Erika Chryselle Gonzales Gancayco, o mas kilala bilang Erich Gonzales.


Pinaunlakan ng aktres ang kanyang mga fans sa kanilang “most requested vlog” at ito ay ang ipasilip ang loob ng kaniyang bahay.

Sa loob lamang ng dalawang araw ay umabot na sa 730,029 ang views nito. Sa unang parte ng vlog, masaya at energetic ang pag welcome ni Erich sa kanyang mga fans. Sa pagbungad palang ay makikita na kaagad ang kaniyang living room na simple ngunit napakaelegante.


Ipinakita din ni Erich ang kaniyang sofa na sadyang pina customize talaga para maging fit sa kanyang living room. Ottoman naman ang napili ng aktres na gawing center-table dahil kapag nais niyang matulog ay pwede niya itong iusog papalapit sa sofa at gawing higaan.

Pagkatapos sa living room, agad namang dinala ni Erich ang netizens sa kaniyang powder room. Makikita rin na mayroong couch sa tapat ng pinto nito at ika pa nga ni Erich ay “more more couch, more more chances of sitting”.


Sa second floor ng kanyang bahay, mayroon itong tatlong bedrooms at makikita rin ang isang mesa na mayroong painting ng kanyang kapatid at iba’t ibang preserved flowers. Makikita rin ang two-seater recliner sofa ng aktres na kung saan siya madalas naka-upo kapag naglalaro ng “Call of Duty”.

Sa dining area naman ay mayroong brown table at anim na upuan. Sa kabilang side naman ay makikita ang kitchen area na mayroon counter-table. Ikinuwento ng aktres na paminsan-minsan rin siyang kumakain sa kanyang counter-table.

Ang lanai area ng bahay ang favorite spot umano ng aktres dahil ito ay napaka-aliwalas at puno ng halaman. Dito siya madalas nag muni-muni at magbasa ng mga libro. Ito rin ang gustong tambayan ng kaniyang mga kaibigan.

Dinala din ng aktres ang netizens sa kanilang dirty kitchen. Mayroong sariling kwarto ang kaniyang kasambahay. Sa 4-car garage naman ay makikitang may naka-park na dalawang SUV at isang van.

Ipinasilip din ni Erich ang kanilang garden at makikitang puno ito ng halaman. Mayroon ding hagdanan mula sa garden paakyat sa lanai.

Ikinuwento ng aktres na nabili niya ang lote noong siya palang ay 22 years old. Taong 2014 niya sinimulan ang pagpapagawa ng bahay at sa parehong taon din siya nakalipat dito. Anim na taon na ang kanilang bahay. Ito rin ang napili niyang patayuan ng bahay dahil napakaganda ng view at nature-friendly.