Connect with us

Entertainment

Silipin ang napakalaking bahay ni Aling Maliit, Ryzza Mae Dizon sa kanyang house tour

Naaalala nyo pa ba si dabarkads Ryzza Mae Dizon? Ang napaka-bibo at cute na batang kinagigiliwan ng marami sa Noontime show na Eat Bulaga. Siya ay nanalo sa patimpalak na Little Miss Philippines noong 2012.

Dahil sa angking galing ni Ryzza sa pagsasalita at sa natural na kakayahang magpatawa at magpasaya ng mga manunuod, kinuha sya bilang isa sa mga host ng Eat Bulaga hanggang sa nagkaroon na din ito ng kanyang sariling segment na The Ryzza Mae Show.

credit ryza mae dizon | yt

Simula noon ay hindi na nawalan ng mga proyekto ang child actress at maraming mga parangal din ang naigawad sa kanya dahil sa angkin nitong husay sa pag-arte mapa comedy man, o drama.

credit ryza mae dizon | yt

Samantala, dahil na rin sa kaliwa’t kanang mga proyekto, nakapag-ipon ang aktres at nakapag invest. Isa na rito ang kanyang bahay na napakalaki.

Kamakailan lang, ipinasilip na din nito ang loob ng kanyang bahay dahil na rin sa mga request ng kanyang mga fans at subscribers sa kanyang YouTube channel.

credit ryza mae dizon | yt

Sa simula ng video ay makikita ang sasakyan ng aktres na ginagamit umano nito sa papunta sa trabaho. Naroon din ang ilang mga lumang kagamitan mula sa Ryzza Mae Internet Café dahil umano nagsara ito dahil sa pandemya.

credit ryza mae dizon | yt

Sa sala ng kanilang bahay ay naroon ang mga modernong appliances at mga furniture na kulay puti at itim. Naroon din ang display ng kanyang mga awards. Ilan na rito ang kanyang award bilang Best Child Female Film Actress na iginawad ng Trinity University of Asia Platinum Stallion Media Awards 2015 sa kanilang pelikulang My Big Bossing’s Adventures, Most Influential Film Child Stars of the Year noong 2015 sa 4th EdukCircle Awards, Best Female Child Star sa 8th NwSSU Students’ Choice Awards for Radio and Television noong 2017 at marami pang iba.

credit ryza mae dizon | yt

Samantala, sa dining area naman nila makikita ang mga glass furniture set, at mga magagandang dekorasyon. Napakalapad naman ng kanilang kitchen area, at ayon pa sa aktres doon sila madalas ng kanyang mommy upang gumawa ng mga cooking vlogs.

Ipinasilip din ng aktres ang kanyang kwarto na napaka ganda dahil sa kulay pink na pintura, mayroon din syang make up area, at study area kung saan umano nagla-live ang aktres para sa kanyang show sa Eat Bulaga, at pati na rin sa kanyang online classes.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending