Connect with us

Entertainment

Silipin ang pambihira ang ganda ng panganay na anak ng Cheska at Doug Kramer na si Kendra

Trending ngayon sa social media ang nooy cute na cute na batang si Kendra Kramer dahil sa ganda nitong pang Miss Universe. Ilang buwan na lamang ay magiging ganap ng dalaga ang panganay na anak ng mag-asawang Doug Kramer at Cheska Garcia. Sa unti-unting pagdadalaga nito ay kapansin pansin ang kanyang ganda at ang ipinagbago ng kanyang pisikal na anyo.

kramer.kendra | ig

Sa mga vlogs nila noon ay mapapansin ang pagiging chubby ng kanyang katawan ngunit ngayon ay may hubog na at idinagdag pa ang katangkaran ng bata na mukhang nakuha niya sa kanyang amang si Doug Kramer. Sa kabila ng pagdadalagang ito ni Kendra ay lagi niyang kasama ang kaniyang mommy Cheska na full support naman sa pagiging Kikay niya.

Sa patuloy na paglaki ng dalaga ay madami ang nakapansin ng kanyang blooming na mukha at kanyang taglay na ganda. Nitong nakaraan lamang ay may mga ibinahaging larawan ang kanyang Daddy Doug na portrait ng dalaga na inulan din ng madaming positive na reaksyon at purong pamumuri sa bata. Maging ang mga pageantry team ay naagaw dn ang atensyon na maaari rin daw ilaban ng Pinas sa Miss Universe si Kendra.

kramer.kendra | ig

kramer.kendra | ig

Ang iba naman ay sinasabing nahahawig daw si Kendra sa Miss Universe 2018 na si Katriona Gray dahil sa hugis ng mukha nito, mata,ilong at labi. Bukod dito ay lubos na ikinatuwa ng nitizens ang pagiging game na game ni Kendra sa pagharap sa camera. All-out ang support ng mga parents ni Kendra sa kanya kahit sa mga simpleng activities niya sa school kung kaya’t ganoon nalang din ang confidence ng bata. Kung si Doug at Cheska din ang tatanungin ay Yes na Yes sila kung gustuhin man ni Kendra na pasukin ang pageantry.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending