Si Kitchie Nadal ang umawit ng mga sikat na kantang “Majika, “Same Ground”, at “Huwag na Huwag Mong Sasabihin”. Si Kitchie Nadal ay kilala rin sa pangalang Anna Katrina Dumilon Nadal-Lopez.
Naging bokalista si Kitchie ng bandang ‘Mojofly’ noong 1998. Siya ay humiwalay sa banda at nagsulat ng sariling kanta noong taong 2000. Ang mga kantang sinulat ni Kitchie ay talagang sumikat. Matanda man o bata ay kabisado ang kanyang mga awitin.

Si Kitchie ay ipinanganak noong ika-16 ng Setyembre taong 1990. Pansin ng pamilya ni Kitchie na mahilig siya sa musika. Hindi din pinabayaan ni Kitchie ang pag-aaral at nakatapos siya sa kolehiyo. Nag-aral siya sa dalawang paaralan na St. Scholastica’s College at De La Salle University. Nakapagtapos siya ng double degree course na major in Education and Psychology.

Naging matagumpay ang buhay ni Kitchie sa larangan ng musika. Noong 2015, nagpakasal si Kitchie sa nobyo niyang si Carlos Lopez, na isang journalist sa Spain. Matapos ng kasal ay nilisan na ni Kitchie ang bansa para bumuo ng pamilya kasama ang asawa sa Espanya.

Naging usap-usapan ang kasal ni Kitchie dahil ang suot niya sa kasal ang mumurahing bridal dress. Ito ay nagkakahalaga ng 799 pesos. Maraming negatibong komento na nagsabing napakasimple ng kanyang kasal. Naging inspirasyon si Kitchie na hindi importante kung hindi ginastusan ng mahal ang kasal. Ang mahalaga ay makasama mo ang taong mahal mo sa habang-buhay. Nagkaroon ng isang anak ang mag-asawa matapos ang dalawang taon.

Masayang ibinalita ni Kitchie ang kanyang pagbubuntis noong Marso taong 2017. Lalaki ang panganay na anak ng mag-asawa. Ibinahagi ni Kitchie sa kanyang Instagram account na hindi pa din siya tumitigil sa pagkanta. Minsan ay tumutugtog pa rin siya sa mga gigs.Hanggang ngayon ay mahal pa rin para sa kanya ang musika.

Makikitang masaya at kuntento si Kitchie sa piling ng kanyang asawa at anak na si Keon. Nananatiling pribado ang buhay ng singer sa Espanya. Siya ay umuuwi minsan sa Pilipinas para bisitahin ang pamilya at mga kaibigan.