Naaalala nyo pa ba si Phil Younghusband? Siya ay dating miyembro ng isang football team na Philippine Azkals. Siya ay mahusay na striker at mid-fielder, naging captain din sya ng naturang grupo noong 2014-2019.

credit to philyounghusband10 | ig
Sa ilang taong pagiging mahusay na manlalaro ng Azkals, ginulat ni Phil ang madla noong inanunsyo nito noong 2019 na magreretiro na sya sa football. Isa sa naging pangunahing dahilan ng kanyang paglisan sa kanyang football career ay ang pagkakaroon nya ng sariling pamilya.

credit to philyounghusband10 | ig
Noong July 20, 2019 ay ikinasal si Phil Younghusband sa kanyang asawa na si Margaret Hall. Ang kasalan ay idinaos sa England dahil taga doon din ang football player. Siya ay ipinanganak sa Surrey England.

credit to philyounghusband10 | ig
Noong nakaraang taon naman ay biniyayaan na sila ng anak. Pinangalan nila ng Philip James ang kanilang unang sanggol hango sa pangalan mismo ni Phil.
Samantala, kahit nilisan ng football player ang mundo ng sports, makikitang masayang-masaya naman ito sa pag-aalaga ng kanyang pamilya lalo na ng kanilang anak.

credit to philyounghusband10 | ig
“Enjoying every second of being a husband and a father. Even with less sleep, being with our beautiful son gives us more energy”, caption nito sa kanyang IG post na upload ang kanilang family picture.
Sa kanyang Instagram, makikita ang kanilang mga bonding moments, at ang iba’t-ibang lugar na kanilang pinupuntahan. Mapapansin din na napaka-ganda ng kanyang asawa na isa ring half-Filipino at Scottish. Siya ay sikat din na modelo.

credit to philyounghusband10 | ig
Matatandaan naman na si Phil ang naging malaking daan upang ang grupo ng Azkals o Philippine Football Team ay nakapasok sa ika-111 na ranking sa FIFA World.
Kahit nilisan na ni Phil ang football, hindi pa rin ito huminto sa pagiging phyisically active, at ibinabahagi nya ang kanyang mga physical trainings and exercises.

credit to philyounghusband10 | ig
Matagal na naging football player ng Loyola Meralco Sparks si Phil at nanalo sa United Football League Cup (UFL Cup) noong 2013 at sa PFF National Men’s Club Championship noong 2014–15 season. Noong 2017, lumipat ito sa Davao Aguilas at nanalo sila bilang runners-up sa 2018 Copa Paulino Alcantara.