Hahamakin ang lahat para sa taong minamahal, ika nga ng marami. Ngayong pandemya, maraming mga relasyon ang naapektuhan ng quarantine at lockdowns. Maraming pamilya ang hindi kumpleto, maraming mga magkasintahan ang hindi magkasama at hindi nagkikita sa personal. May mga iilan na rin na naghiwalay dahil dito.

glaizaredux | ig
Subalit pinatunayan ng aktres na si Glaiza de Castro, na kilala ngayon bilang si “Sanggre Pirena” sa Encantadia na hindi hadlang ang pagkakaroon nila ng long distance relationship ng kanyang Irish boyfriend na si David Rainey.
Hindi nga naman madali ang magkaroon ng LDR dahil maraming temptasyon at mga hamon na hinaharap ang relasyon na magkalayo. Wika nga ng aktres nagkakaroon sya ng separation anxiety dahil malayo ang kanyang boyfriend.

glaizaredux | ig
“Since I have been dealing with separation anxiety for being apart for a few months now, I chose to do things that make me happy like waking up in the morning to see the sunrise and learn surfing, exercising and cooking amongst other things,” saad nito sa kanyang Instagram post.
Hindi naman sila nagpapatalo sa lungkot at pangamba na dulot ng hindi pagkakasama ngayong panahon. Nagpaabot naman ng pagmamahal ang kanyang kasintahan sa pamamagitan ng isang sorpresa na talaga namang ikinatuwa ng Kapuso aktres na si Glaiza.

“But this morning, someone surprised me and I’m so grateful ’cause he constantly find ways to be there for me. Though not physically for now. I know we’ll be together again but hopefully, soon. Lol. Maraming salamat at mahal kita,” pagkukwento naman ni Glaiza tungkol sa sorpresa ni David sa kanya.
Pinadalhan ito ng kanyang boyfriend ng isang life-sized custom pillow na may mukha nito para kahit nasa malayo ay parang naroon lang ito sa tabi ni Glaiza.

glaizaredux | ig
“There is a wait so long, you’ll never wait so long,” caption naman ni Glaiza sa kanilang litrato kasama si David. Makikitang masayang-masaya pa silang magkasama.
Samantala, nagpasalamat naman sya sa mga kaibigang nagplano upang magawa ang sorpresa ng boyfriend sa kanya. “Special thanks to our friends who planned this perfectly and woke up extra early to set this up. Sobrang saya lang,” aniya.