Sa kabila ng hamon na kinakaharap ng mundo ngayon,isang mataas na pasasalamat pa rin sa ating Poong Maykapal dahil naiados natin ang ating Pasko at Bagong Taon ng maayos at masaya.
Ang mga ngiti sa mukha ng bawat isa ay muling nasilayan. Ang mga bata ay muli nanamang nakatanggap ng mga aginaldo mula sa kanilang mga Ninong at Ninang, maging sa miyembro ng bawat Pamilya.

Kapansin-pansin din ang larawang ipinakita sa atin ni Nadine Samonte. Ito ay ang unang pasko ng kanyang bagong silang na sanggol. Bakas sa kanilang larawan ang saya ng bawat isa sa pamamagitang ng isang Family picture. Nakakatuwa ang kanilang holiday themed pictorial na isinagawa ng Nice Print Photography. Litaw na kitaw ang kulay ng damit ng kanilang munting anghel na nakasuot ng kulay green habang silang lahat at kulay red.

Cute na cute ang kanilang mga anak sa kanilang larawan at nilagyan niya ng caption na “Rainbow Babies”. Ganoon na lamang din ang pagpapasalamat ng aktres sa Panginoon a lahat ng pagpapala na kanilang natatanggap. “salamat Panginoon sa binigay mong blessings sa aming pamilya lalo na sam ga anak namin. Dati ang tanging hiling ko lang ay magkaanak kahit isa lang pero tatlo ang ibinigay mo. Grabe, God is amazing,”anya ng aktres.
“Nakakaiyak pag nakikita ko mga anak ko, sobrang worth it talaga lahat ng hirap na dinanas ko. I am one proud momma. Totoo sabi ni Lord, ask and you will receive and syempre just wait patiently kasi ibibigay niya sa tamang panahon. Faith lang ang tanging pinanghahawakan ko. Don’t give up!” Dagdag pa ng aktres.

Nitong Nobyembre ay matatandaang si Nadine ay nahirapan sa kanyang pagbubuntis dahil sa kanyang PCOS. Ngunit matagumpay niyang naisilang ang kanyang pangalawang anak na si Harmony Saige.
“Everyday is a struggle but its more of a blessing . Yes, I till have PCOS and mostly a PAS (antiphospholipid antibody syndrome). This journey is particularly different from my 2 kids. We almost lost our baby during my first trimester but with God’s grace and guidance hindi niya kami pinabayaan. God is good!”, wika ng aktres.

Kapag talagang tayo ay kumapit sa Diyos ay walang imposible. Lahat ay kakayanin at lahat ay kayang malampasan anumang kabigatan ngayon ay malusog na malusog si Baby Harmony at kasama na nilang nagseselfie sa kanyang unang Pasko.