Bukod sa pagiging artista at singer, isa sa pinagkakaabalahan ngayon ng mag-asawang Neri at Chito ay ang kanilang pamily, mga investments, at negosyo, lalo na ngayong pandemya na wala naman silang mga projects sa showbiz.

credit to mrsnerimiranda | ig
Samantala, kilala din ang mag-asawa bilang tagabigay ng mga payo sa kanilang mga subscribers at sa mga nanonood ng kanilang YouTube channel. Tinatawag silang “Wais na Mister” at “Wais na Misis” dahil na rin sa galing nila sa pamamalakad ng kanilang pamilya at mga negosyo.

credit to mrsnerimiranda | ig
Kamakailan lamang nito ay naging viral ang kanilang IG post na may caption na “Balang araw magiging member din kami dyan at di na kami pahintuin ng mga guards at tanungin kung anong pakay namin.

credit to mrsnerimiranda | ig
More benta pa ng tuyo, beddings, damit, pampaganda, pajamas, suka, accesories, at kung ano pa ang maisipang ibenta. Hindi ko ikahihiya yan kung nakakapag invest naman ng properties. Mas magandang maging WAIS sa buhay kaysa maging maarte at ikinahihiya ang magbenta benta! At dapat focus lang sa goal.”

credit to mrsnerimiranda | ig
Noon ay naibahagi din ng mag-asawa na mayroon umano silang hiwalay na mga negosyo at investment para kung malugi man ang isa sa kanila ay mayroon pa rin silang per ana pang-back-up.
Mahilig rin si Neri sa pagtatanim dahil laking probinsya ito. Marami na sa kanilang mga pananim ang kanilang napakinabangan ngayong pandemya. Mayroon silang sariwang suplay ng mga gulay.

credit to mrsnerimiranda | ig
Nais ibahagi ng mag-asawa na kailangan ang diskarte sa buhay at hindi ang arte. Kahit anong pwedeng ibenta basta legal at pinaghihirapan, at mapagkakakitaan ay ituloy lang.
“Naisulat nyo na ang goal nyo nung January? Natupad naman? Nagawa mo naman? Ok lang yan, umpisahan na lang ngayong February, wala namang karera eh, ang mahalaga ay inuumpisahan at ginagawa. Magtiwala ka sa sarili na kaya mo at kakayanin mo, ok? Hinawakan ko na ang mga braso mo ng mahigpit virtually para makinig ka! Kanya kanya man tayo ng goals sa buhay, ang mahalaga inuumpisahan natin, ginagawa, at tinatapos. Tiwala lang”, dagdag hamon at pagbibigay payo pa nila sa kanilang IG post.