Alam naman nating lahat kung paano nagsimula ang buhay ng isang Manny Pacquiao, halos naging saksi ang buong sambayanang Filipino sa alamat ng ating pambansang kamao. Simula sa isang mahirap na pamilya na halos hindi na kumakain ng tatlong beses sa isang araw, naging kargador at iba’t-ibang mahihirap na trabaho hanggang sa natutong mag-boksing at maging matamgumpay sa larangang kanyang minahal.

larawan mula sa instagram ni sen. manny pacquiao
Sa ngayon pangalawa si Senador Manny Pacquiao sa pinakamayamang senador sa ating bansa kasunod ni Senador Chyntia Villar. Isa din ang senador sa maraming ari-arian at negosyo sa ating bansa, yan ay dahil lahat sa kanyang sipat at tyaga. Kaya naman ng mag-post ang Filipino boxing pride sa kanyang instagram agad itong umani ng iba’t ibang reaksyon sa mga netizen. Tunghayan natin ang ilan sa mga ito.

larawan mula sa instagram ni sen. manny pacquiao
Emmanuel Dapidran Pacquiao sa tunay na buhay isinilang sa lugar ng Bukidnon, at pang-apat sa anim na magkakapatid. Hiwalay ang kanyang mga magulang dulot ng ilang hindi pagkakasunduan sa buhay mag-asawa. Hindi pa man tuluyang namamayagpag sa mundo ng boksing siya ay nagpakasal kay Jinkee Zamora at nabiyayaan ng mga anak na sina Jimuel, Michael Stephen, Princess, Queenie at si Israel.

larawan mula sa instagram ni sen. manny pacquiao
Matapos ang mga kaganapan ito sa buhay ng batang Manny unti-unti ng umalagwa ang karera ng ating pambansang kamao sa boksing. Halos walang preno ang pag-angat ni Sen. Manny hanggang sa dumating sya sa buhay na hindi nya inaasahan, kung saan nalulong siya sa masasamang gawain.

larawan mula sa instagram ni sen. manny pacquiao
Ngunit isang araw nagising na lamang siya na tila dapat niyang itigil ang hindi magandang gawain at mag-pokus na lamang sa boksing, pamilya at pag-sisilbi sa bayan. Simula nga noon ay lalong bumuhos ang biyaya sa kanyang mga palad.

larawan mula sa instagram ni sen. manny pacquiao

larawan mula sa instagram ni sen. manny pacquiao
Kung isa ka sa mga nahihirapan sa iyong buhay ngayon, isipin mo na mas maswerte ka pa rin buhay at humihinga, alalahanin mong mas marami pang tao ang dumanas ng higit pa sa pinagdadaanan mo ngayon. Tulad na lang ng ating Senador Manny Pacquiao patunay lamang siya, na ang buhay ay kayang mabago samahan lamang ito ng sipag at tiyaga, syempre ang pagdadasal sa poong Maykapal. Magsilbi sanag inspirasyon sa ating lahat ang buhay ni Sen. Manny sa edad na 17-anyos ay isa ng world boxing champion at ngayon ay kampeon ng masang Pilipino.