Maraming tao ang nangangarap maging artista. Gayunpaman, hindi madali abutin ang pangrap na ito. Hindi rin madali ang maging isang artista sapagka’t maaari kang mahaharap sa iba’t ibang uri ng kritisismo at paninira.
Bilang isang artista, kailangan nilang mapanatili ang kanilang magandang imahe sa publiko upang sila ay magtagal sa industriya. Para mangyari iyon ay kailangan nila ng oras at matinding pagsisikap upang aliwin ang kanilang manunuod. Sa pananaw ng iba, masarap maging artist
Sa pananaw ng iba, madali ang maging isang artista. Subalit sa likod ng kamera, makikita ang kanilang pagod at paghihirap na kanilang dinaranas mula sa kanilang trabaho. Sa katunayan nga ay hindi na nila mapigilan minsang umidlip sa kanilang taping dahil sa sobrang pagod.
Gayunpaman, sa kabila ng kanilang puyat at pagod ay hindi pa rin naaalis ang kanilang taglay na karisma. Kalat ngayon sa social media ang mga litrato ng iilang sikat na artista kung saan sila ay nakatulog sa sobrang pagod.
JM de Guzman – Si JM ay isa lamang sa mga magagaling na aktor na sumikat sa showbiz. Patunay lamang na karapat-dapat siya sa kasikatang iyon sapagka’t matinding pagsisikap naman ang kanyang ibinibigay sa kanyang trabaho. Sa katunayan nga ay nakaidlip ito dahil sa sobrang pagod sa isang taping niya sa teleseryeng Pamilya Ko sa ABS-CBN.

Vice Ganda – Sa kabila ng pagiging energetic ni Vice Ganda sa kaliwa’t kanang pag-hohost at pag-aarte niya sa kanyang mga pelikula ay naaktuhan rin itong natutulog sa gitna ng kanyang pag-hohost sa It’s Showtime.

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla – Ang magkasintahang Kathryn at Daniel naman ay nakaholding-hands pa rin habang natutulog. Gayunpman, ay talagang nakapaghatid pa rin sila ng kilig sa kanilang mga taga-hanga.

Liza Soberano – Pagdating naman kay Liza ay makikitang napaka-amo ng kanyang mukha at kitang-kita pa rin ang taglay niyang ganda kahit sobrang himbing na ng tulog nito.

Sarah Geronimo – Ang Popstar Princess naman na si Sarah Geronimo ay nangagailangan rin ng konting oras sa pagpapahinga dahil sa sobrang pagod sa pag-birit.

Pati na rin sina Kim Chiu, Erich Gonzales, Janella Salvador, Alex Gonzaga, Andrea Brillantes, Sofia Andres, Mariel Padilla, at Julia Baretto ay kailangan ring maglaan ng oras para sa kanialng beauty rest upang panatilihin ang kanilang angking ganda.
Kasama rin sa mga napagod at nangailan ng tulog ang mga hunk na sina Gerald Anderson, Piolo Pascual, Sam Milby, Zanjoe Marudo, Xian Lim, Luis Manzano at Enchong Dee.