Mapapansin natin na madalas busy sa mga proyekto ang Youtuber na si Toni Fowler kung kaya’t naisipan niyang kumuha na lamang ng kasamabahay. Ito ay ang mag-ina na si Rose at Anne ng Bicol. Sa isang vlog ni Toni na “Toro de Palacio” ay ikinuwento niya kung paano niya nakuha ang kanyang kasamabahay na tumutulong sa kanila sa araw araw na gawain.
Sa “Toro de Palacio” na nagdiwang ang mag-ina ng kanilang bagong taon dahil hindi sila nakauwi sa Bicol. Ipinagdiwang ng mag-ina ang bagong taon kasama si Toni at ang kanyang pamilya.
Noong si Toni ay nakatira pa sa isang condominium ay naroon na rin at kasama niya ang mag-inang ito. Naging katuwang ni Toni ang dalawa sa mga gawaing bahay na lubos na ipinagpapasalamat ng Youtuber lalo na nitong pandemya.
Kung kaya naman sa kabila ng kabutihang patuloy na ipinapakita ng mag-ina ay sinurpresa sila ni Toni ng 100,000 cash na maaari nilang magamit sa pagpapatayo ng kanilang bahay.
“Alam kong nami-miss niyo ang pamilya niyo, Mama Rose at tsaka Ate Anne. Ngayong bagong taon, meron akong maliit na regalo para sa inyo.” Wika ng Youtuber. “Yes, dahil dyan, meron kayong 100 thousand pesos,” dagdag pa niya. Gulat na gulat at hindi na napagilang maiyak ng dalawa dahil sa kanilang natanggap mula kay Toni.
Ikinatuwa ng mga nitizens ang ginawang ito ni Toni kung kaya’t inulan ito ng mga comments. Narito ang ilan sa mga komento.
“Grabeeeee while watching this naiiyak ako sa ilang taong panonoud ko sa inyo di parin nagbabago pagmamahal ko sa inyo. Kahit may mga pagsubok kayo. At the same time habanaga pinapanuodbkonto yong puso ko nagkulundag sa tuwa dahil bagong achievement sa buhay nyo. Cant wait the other vlogs sa palacio niyooooo iloveyou guysssss HAPPY NEW YEAR.” Wika ni Heriz Cristo.
“Sa totoo lang mommy simula ng dumating sa buhay mo si Tito Vince siksik liglig mga dumating na blessings sayo. Which is noon pa man pero iyong ngayon naging wise ka na at may peace of mind. Natuto ka sa lesson mo sa past. Napakagaan ni Vince sa Toro family. Stay bless to Toro Family stay safe and Happy New Year.” Mihra Flor Rafaels.
Ilan lamang ito sa mga komento na talaga namang natuwa sa ginawa ni Toni para sa mag-ina kaya’t ganoon nalang din ang pagpapalang dumarating sa kanya.