Connect with us

Entertainment

“Trudis Liit” Jilian Ward Ipinasilip ang Ipinapagawang Bahay na Malapit na Matapos

Hindi masama ang mangarap, sa katunayaan nga ay nakakabuti ito sa isang tao sapagka’t ito ang nag-uudyok upang mas lalo pang magsumikap. Kapag ang tao ay nagsumikap, hindi malayong maaabot ang anumang mga pangarap.

photo credit to jilian ward | ig

Marami parin ang patuloy na nagsusumikap at nangangarap sa kabila ng mahihirap na pagsubok sa buhay. Dahil sa pagtitiwala sa sarili at hindi pagsuko ay unti-unting nakamit ang tagumpay.

Naaalala nyo pa ba si Jillian Ward? Maaring naaalala nyo ang batang Jillian na ngayon ay isa nang dalagang artista, vlogger, model at singer. Katulad din ng marami, siya ang nangangarap sa buhay.

photo credit to jilian ward | ig

Sumikat si Jillian noong siya ay gumanap bilang Gertrudis sa darama comedy series ng GMA Network na “Trudis Liit”.  Napasama rin siya sa iilang sikat na pelikula gaya ng “Enteng Kabisote”, “Aswang”, at “The Mommy Returns”.

photo credit to jilian ward | ig

Nagsumikap siyang magtrabaho para makamit ang kanyang pangrap na makapagpatayo ng magandang bahay para sa kaniyang pamilya. Talagang pinag-ipunan ni Jillian ang pagpapatayo ng bahay at all-out rin siya sa pagbibigay ng effort at oras para dito.

photo credit to jilian ward | ig

Sa ngayon, kahit na hindi pa tapos ang kanyang bahay, ay ipinasilip pa rin ito ni Jillian sa mga netizen. Sa isang litratong kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram account, makikitang nakaupo siya sa ikalawang palapag ng nasabing bahay. “Another blessing, almost done! Thank you lord for everything.. I’m genuinely so happy and inspired right now. ❤ #soon!!”, caption ni Jillian.

photo credit to jilian ward | ig

Sa edad na 15 years old, ay nakapagpundar na si Jillian ng kanyang sariling bahay. Masasabing talagang nagsumikap siya para lamang maabot ito. Marami rin ang napahanga ng aktres dahil sa kabila ng kanyang pagiging bata ay talagang binigay niya ang lahat para lamang mabigyan ng magandang tahanan ang kanyang pamilya.

photo credit to jilian ward | ig

Si Jillian ay isang inspirasyon para sa mga kabataan ngayon na nagpapakitang kahit bata pa ay puwede rin nilang tulungan ang kanilang mga magulang sa pamamagitan ng pagsusumikap para abutin ang kanilang mga pangarap.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending