Connect with us

Entertainment

Unica Hija ni Richard at Lucy Torres Gomez na si Juliana, usap-usapan sa social media ang bagong “boyfriend” ngayon

Kilala nyo ba ang unica hija ng sikat na aktor na si Richard Gomez at ng actress-model, politician na si Lucy Torres-Gomez? Siya ay si Juliana Gomez. Napakabilis lamang lumipas ng panahon at dalaga na itong si Juliana at hindi maikakaila ang taglay nitong kagandahan at magandang hubog ng katawan.

credit to miggy_piggyy | ig

Samantala, usap-usapan ngayon sa social media ang mga larawan na kumakalat sa umanong rumored boyfriend ni Juliana. Kamakailan lang ay naging mainit sa mata ng mga netizens ang mga larawan ni Juliana kasama ay non-showbiz na lalaki na nag-ngangalang Miggy Bonnevie-Bautista.

Sa mga litratong naiupload ni Miggy sa kanyang Instagram account na miggy_piggyy, makikita na mukhang komportable sila sa isa’t-isa ni Juliana. Sa isang larawan ay nakatayo silang dalawa sa ilalaim ng puno at kapwa may hawak na wine.

credit to miggy_piggyy | ig

Marami ang nagkomento sa larawan at mayroon netizen ang nagtanong sa naturang post “Kayo na ba ni Juliana Gomez?” Palaisipan din sa marami kung si Miggy na ba ang bagong boyfriend ngayon ni Juliana.

Si Miggy umano ay isang mahusay na manlalaro ng Ateneo de Manila University. Marami na din itong napanalunan mga paligsahan sa larang ng isports at is ana ang pagkapanalo nito sa Fencing Competition sa Switzerland. Ang ina umano ni Miggy ay related sa aktres at singer na si Dina Bonnevie.

credit to miggy_piggyy | ig

Samantala, sa isang larawan kamakailan lang na ibinahaging muli ng binata sa kanyang IG ay makikitang nakaupo silang dalawa sa sofa ni Juliana at komportable sa isa’t-isa.

Sa isang panayam naman sa ama ni Juliana na si Richard Gomez, noong tinanong ito na may boyfriend na ang anak ay ito ang kanyang sagot, “Ganun ba? Wait, let me confirm with Lucy. OMG! Hahahahaha!!!”. “Hahahaha!!! At her age, most probably she’s seeing someone, getting to know each other.” saad naman ni Lucy.

credit to miggy_piggyy | ig

Nasa getting-to-know stage pa lamang umano si Miggy at Juliana ayon kay Richard, at inamin nito na sa bahay umano nila ang nakuhang larawan noong nagkaroon ng dinner ang team ng Philippine Fencing Association (PFA) kung saan miyembro si Miggy at president naman si Richard Gomez.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending