Connect with us

Entertainment

Valerie Concepcion Ibinahagi ang Karanasan sa Pagiging Single Mother sa Edad na 16, at Kung Paano nya ito Napagtagumpayan

Kilala nyo ba o naaalala pa ba si Valerie Concepcion? Isa sya sa mga mahusay na artista at host at mas nakilala sa programang Wowowee, Pilipinas Win na Win at sa Banana Split. Ang kanyang pinakahuling mga palabas ay ang “Ika-5 Utos”, at “Kadenang Ginto”.

valerie concepcion | instagram

Bukod sa galling sa hosting at sa pag arte, si Valerie ay may angking natural na kagandahan lalo na ang kanyang nakakabighani na mga ngiti at tawa. Subalit sa likod pala ng kanyang ipinapakitang kasiyahan ay ang kwento ng matinding kalungkutan sa kanyang nakaraan.

valerie concepcion | instagram

Si Valerie ay naging isang ina sa napakamurang edad na 16. Sa programang “Magandang Buhay”, ibinahagi ng aktres ang malungkot na buhay pag-ibig na kanyang napagdaanan.

Ayon sa aktres dahil sa pagiging menor de edad niya at ng kanyang ex-boyfriend ay hindi naging pabor ang mga magulang ng lalaki na magpakasal sila. Naranasan pa umano nitong ikulong sa kanilang bahay dahil natatakot ang mga magulang nito na magtanan sila ng kanyang boyfriend.

valerie concepcion | instagram

Nagwika umano ang mga magulang ng lalaki na kailangan nilang hintayin na maging 18 sila bago magpakasal at magbalikan.

Subalit dumating ang mga araw na iyon pero hindi na umano bumalik ang lalaki sa kabila ng paghihintay ni Valerie na babalikan sila ng ama ng kanyang anak na si Heather Fiona.

valerie concepcion | instagram

Sa kabila ng kalungkutan ay hindi nagpatalo si Valerie, at sa halip ay ipinagpatuloy ang kanyang buhay kasama ang kanyang anak at sa tulong na din ng kanyang pamilya na hindi siya iniwan at hindi pinabayaan.

Makalipas ang ilang taon ay natagpuan din ni Valerie ang kanyang bagong pag-ibig sa non-showbiz boyfriend na si Francis Sunga. Minahal ito at tinanggap ni Francis at pinakasalan niya ito.

valerie concepcion | instagram

Sa kasalukuyan ay masaya ng nagsasama si Valerie at ang kanyang asawang si Francis at teeanger narin ang kanyang anak. Kamakailan lang ay nakapagtapos din sa kolehiyo si Valerie sa kursong B.A. in Psychology.

Ipinatunayan ng aktres na hindi naging hadlang ang pagiging single mom nito upang marating ang mga pangarap at maging maligaya sa buhay sa tamang tao at tamang panahon.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending