Ang salitang tahanan ay maiisip nating isang bahay na may apat na dingding, may bubong at nakatayo lamang sa isang lugar. Ito ay may pinto, bintana at mga kagamitan sa loob. Ngunit hindi lamang sa ganito natatapos ang salitang tahanan.


Bilang isang artista, madalas ang mga taping ay sa ibang lugar. O kung hindi naman ay sa iisang set lang ngunit magdamagadagan ang trabaho. Mapapansin natin na naging likas na sa mga artista ang magstay sa kanilang mga sasakyan. Mga sasakyan ba animoy bahay ang loob. Naroon ang Cr, may bedroom at mga pangangailangan ng mga artista para sa magdamagang trabaho.


Isa na dito ay si Mon Confiado na kilala sa pag ganap bilang kontrabida sa mga pelikula at teleserye. Marahil isa rin kayo sa nakaramdam ng pagkainis dahil sa galing na pag-ganap ng aktor sa mga ibinibigay sa kanyang role. Ngunit, ang kanyang role ay taliwas sa kung sino talaga si Mon Confiado sa tunay na buhay. Wika ng aktor “ The actor’s job is to bring a scripted character to life. But an actor’s personal life is different from the characters they portray.”


Sa patuloy na pagsabak ng aktor sa mga pelikula ay nakakagulat na siya pala ay 23 taon ng namumuhay as vanlifer. Mapapansin sa kanyang mga Instagram posts ang iba’t ibang van na kaniyang nagamit. Ayon sa aktor “ I’ve been a Vanlifer for 23 years because of my kind of work. It’s more than just a vehicle, it’s my home. In the end it’s not the miles that count, but the memories made along the way.” Isa lamang din na patunay na si Mon ay hindi sunod sa uso pagdating sa kagamitan, sa panahon ngayon bihira ang artista na praktikal at simple pa ring mamuhay kahit na matagal na industriya. Sana magsilbing halimbawa ang aktor sa mga baguhan na maging masinop sa mga bagay-bagay.