Kapag nakakarinig ka ng pangungutya tungkol sayo, ano ang iyong reaksyon?
Marahil normal lamang na mainis at malungkot ka kapag sinabihan ka ng hindi maganda. Subalit hindi ito dapat maging hadlang upang magkaroon ka ng maganda at normal na buhay.

Sa panahon ngayon na uso na ang mga pagpapaganda, at pagpapapayat, nagiging mas mapanglait na at mapanghusga ang mga tao. Kapag nakakakita sila ng mataba ay kinukutya agad ito at pinagtatawanan na parang isang malaking kasalanan ang pagiging mataba.
Hindi lamang mga ordinaryong mga tao ang nakakaranas ng pangungutya o pangbu-bully. Ang isa sa pinakasikat ngayon na komedyante sa bansa na si Vice Ganda ay nagbahagi ng kanyang kwento ng pagiging bullying victim noong nagsisimula pa lamang sya sa showbiz.

Ayon pa kay Vice, nasaktan din sya noon sa mga panlalait sa kanya na mukha daw syang kabayo. Inamin naman nito na hindi ganun ka aya-aya ang kanyang itsura noon. Sobrang payat at matangkad kaya kinukutya itong kabayo. Sa katunayan ay una syang tinawag na Vice Kabayo bago pa man sya naging Vice Ganda.

Samantala, ang mga negatibong komento at mga pangungutya sa kanyang pisikal na anyo ay hindi naging hadlang upang pagbutihin nya ang kanyang trabaho at magtagumpay. Sa katunayan, ginamit pa nya itong inspirasyon.
Pinanindigan ni Vice ang pagiging “Kabayo”sa kanyang mga pagpapatawa sa harap ng camera bilang isang komedyante. Kinagiliwan ito ng mga tao hanggang sa dinala ito sa kasikatan dahil sa kanyang pelikulang “Petrang Kabayo”noong 2010.

Sa angking galing ni Vice, hindi lamang sa pagpapatawa kundi maging sa pag-entertain ng mga tao, isa sya sa mga naging host ng noontime show na It’s Showtime. Hindi na nga kumpleto ang katatawanan sa tanghalian kapag wala ito sa naturang show.
Napakarami na din ng naging mga proyekto si Vice kagaya ng “The Unkabogabol Praybeyt Benjamin” (2011), “Sisterakas” (2012), “Girl Boy Bakla Tomboy” (2013), “The Amazing Praybeyt Benjamin” (2014), “Beauty and The Bestie” (2015), “Super Parental Guardians” (2016), “Gandarrapiddo: The Revenger Squad” (2017), at “Fantastica” (2018). Marami na ding natanggap na mga parangal at pagkilala si Vice dahil sa mahusay niyang pagganap sa mga ito.

Samantala, maliban pa sap ag-arte at pagpapatawa, napakahusay din na singer itong si Vice. Nakailang concert na din at nagkarecord ng maraming kanta na sumikat tulad ng Whoops Kiri, Manhid Ka, Wag kang Pabebe, Karakaraka, at iba pa.