Malaki ang suliranin na naidulot ng pandemya hindi lamang sa ilang bansa kundi halos sa buong mundo. Maraming pamilya ang nawalay sa isa’t-isa, nawalan ng mga mahal sa buhay, naghirap, at naging masalimuot ang pagdiriwang ng pasko. May ilan din naman na nawalan na ng rason na ipagdiwang ang selebrasyon ng Pasko dahil sa mga pangyayari, subalit marami pa rin ang nais na ipadama ang pag-asa, pagmamahal, at pagtutulungan sa kabila ng krisis na hinaharap.

photo credit to teresitassen | ig
Kagaya na lamang ng Kapuso star na si Winwyn Marquez na pinili na pasayahin ang mga bata noong pasko sa kanyang munting pagbabahagi ng tulong. “If opportunity doesn’t knock, build a door”, wika pa ng aktres na naging miyembro na ng Navy bilang isang reservist.
Espesyal para sa kanya ang nagdaang pasko dahil ipinagdiwang nya ito sa pamamagitan ng pamimigay ng mga regalo sa mga bata sa Brgy. Parang Pantay, Languyan sa Tawi-Tawi.

photo credit to teresitassen | ig
Saad pa ng aktres sa kanyang IG post, “Despite the difficulties, many of us have realized that 2020 was not only a period of uncertainties but also a season for creativity and new possibilities. Even though travel is restricted, and my schedule is filled with locked-in taping duties, my opportunities to help as a reservist were not hampered by these limitations”.
Masaya na ibinahagi ni Winwyn ang pamimigay ng Marine Battalion Landing Team-6 (MBLT-6) ng mga pagkain, tsinelas, laruan sa mga bata sa naturang barangay. Isa sa highlight ng kanilang pagbisita roon ay ang ang kanilang pagpatayo ng bagong playground para sa mga bata.

photo credit to teresitassen | ig
Tuwang-tuwa ang mga bata sa mga larawan, at tiyak na makulay ang kanilang naging pasko at magiging buong taon.
“Cupcakes, sopas, slippers, toys, and candies may only be small things that we usually take for granted in our daily lives but for the children in Tawi-Tawi, who barely receive assistance and attention during this Christmas season, such treats are already godsend,” pahayag pa ni Winwyn.

photo credit to teresitassen | ig
“Before the year ends, try to be someone’s sunshine,” dagdag pa nito.
Hindi lamang ito nagpapakita ng kagandahang pisikal ng aktres kundi pati na rin ng kagandahang panloob na talaga namang may mas halaga sa panahon ngayon.