Ibang klase pala talaga ang kabutihan ng puso ni Yasmien Kurdi, yan ang halos hindi alam ng karamihan. Kamakailan lamang noong nasa BJMP Tagaytay sila at nag-taping ng kanilang episode para sa “Beautiful Justice” ay napabilib siya sa mga paintings sa kulungan.

imahe mula kay yasmien kurdi | ig
Ang mga paintings pala na ito ay gawa ng mga inmates, halos hindi makapaniwala ang kapuso aktres na likha ito ng mga taong nakakulong dito lalo nang mapag-alaman nito na maaaring makalaya ang isang preso na may likha nito kapag nabili mo ang kanyang obra.

imahe mula kay yasmien kurdi | ig
Sa pamamagitan ng obrang nabili ni Yasmien Kurdi ang taong gumawa nito ay may tyansang mabuksan ang kaso at mapalaya mula sa nasabing bayad sa obra. Agad din naman nakatanggap ng papuri ang nasabing aktres dahil na rin sa kagustuhan nitong matulungan ang nasabing preso.

imahe mula kay yasmien kurdi | ig
Makikita sa kanyang Instagram post ni Yasmien ang kanyang obrang napili kasama ang mga gumawa nito. Narito ang saad sa post ni Yasmien.
“ATM Habang nag tataping ako ngayon for #BeautifulJustice dito sa BJMP Tagaytay, napansin ko na ang daming art works at paintings na naka-paligid sa amin… Yun pala, kapag naka-bili ka daw ng isang art piece na gawa ng mga preso, makakalaya ang isang tao dahil may pang piyansa na siya 😍 Ang saya at nakakaiyak yung feeling ko ngayon na alam kong makakapagpalaya ako ng tao❤️ Makakalaya ka na Ms. Maricris Estrada 😘 Makikita mo na yung mga anak mo sa labas ng kulungan 😘 Alagaan mo sila ❤️Salamat Warden Aris Villaester sa pag accomodate samin habang nag taping ngayon ang BJ Team sa kulungan … ang saya po talaga ng pakiramdam ko ngayon❤️ at sa pintor na si Kuya Jason … ang ganda ng gawa niyo 🤙🏻 #Happy #Blessed #Thankful #SayNoToDrugs”
Nakakaantig sa puso ang simpleng mensahe na ito ni Yasmien kay Maricris Estrada ang taong may obra at posibleng mabigyan ng kalayaan. {via}