Connect with us

Entertainment

YouTuber Niana Guerrero Ibinahagi ang Kanilang Bonggang Farm sa Zambales

Nakakabilib talaga ang mga magkakapatid na Niana Guerrero, Ranz Kyle, pati na rin ang kanilang bunsong si Natalia.

Sa kanilang murang edad ay nagpapamalas na sila ng angking husay sa pagsasayaw kung saan sila nakilala at sumikat.

Tatlong taong gulang pa lamang daw itong si Niana noong nakitaan sya ng potensyal sa pagsasayaw. Mahiyain pa raw noong ito ngunit dahil na rin sa paghihikayat ng kanyang kuya Ranz ay nakombinse na rin itong ibahagi ang kanyang talento sa social media.

Taong 2010 noong unang ginawa ng kanyang kuya ang Facebook Page at nag-upload ng kanyang mga sayaw. Nagustuhan ito ng maraming netizens at umabot ng mahigit 2 milyon ang likes ng videos kaya’t tinutuloy na nila ang pagbahagi pa ng ilang dance videos ni Niana.

Samantala, sa kanyang pagiging isang YouTube star, bukod sa kanyang mga patok na dance craze videos at TikTok videos, ibinabahagi din ni Niana ang mga latest na kaganapan sa kanilang magkakapatid at sa kanilang pamilya.

Sa kanyang latest vlog ay nagkaroon ng tour si Niana kasama ang kanyang pamilya papunta sa kanilang Farm sa Zambales.

Bago pa man ipinakita ang kanilang bukirin at nagkaroon sila ng masayang “boodle fight” na tinawag nilang mini-mukbang.

Napakalawak ng kanilang bukid at naipundar daw ito noong 1950. Makikita ang malalapad na taniman ng palay, mag mga alagang hayop, at mga punongkahoy.

Makikita s video na sobrang nag-enjoy si Niana kasama ang kanyang mga kapatid dahil nakabisita sila sa kanilang farm kung saan sariwa ang hangin, malayo sa polusyon, masasarap na pagkain, at kakaibang experience sa madalas nilang gawin.

Si Niana ay 14 taong gulang pa lamang ngayon at bukod pa sa kanyang YouTube channel ay sikat din ang kanyang kuyang si Ranz Kyle na mayroon 13 million subscribers.Mayroon din silang nakakatndang kapatid na si Chelseah Ongsee na may sarili ding YouTube channel, at si Nina Guerrero na isang architect ngunit hindi sila nakikita sa mga dance videos ng kanyang mga kapatid.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending