Connect with us

Entertainment

Ysabel Ortega, ibinahagi ang kanilang poultry farm, lemon plantation at kung paano ito pangalagaan

Sa latest vlog ng aktres na si Ysabel Ortega, ipinakita at ibinahagi nito ang kanilang malaking farm sa La Union.

“I would like to give you guys of a glimpse of what I have been doing every day, staying here during the quarantine, mas natutukan naming yung farm, especially the broiler house”, saad ni Ysabel sa simula ng kanyang vlog.

credit to Ysabel Ortega | Youtube

Ayon sa aktres, nagtanim sila ng mga lemons dahil iyon ang angkop na tanim sa uri ng lupa doon sa kanilang farm. Marami umanong paggagamitan ng lemon, sa pagluluto, pag bake, at marami pang iba.

“As of now, we planted around 3,000 lemon trees, dadami pa yan kasi nung start palang kami nung quarantine nagsimulang magplant. So, its very exciting mas dadami pa ang ating lemon trees, we then we have coconut tree, and then pemolo”, banggit pa ni Ysabel.

credit to Ysabel Ortega | Youtube

Bukod pa sa pagtanim nila ng mga bungang kahoy, malawak din ang farm nila kung saan sila ay nag-aalaga ng mga manok.

Ayong kay Ysabel, sila ang contract grower na nag-aalaga sa mga manok hanggang sa ang mga ito ay lumaki. Ang mga manok ay nanggaling pa umano sa mga malalaking kompanya na tinatawag na integrators kung saan manggagaling ang mga sisiw na aalagaan at palalakihin sa kanilang farm bago naman ibenta.

credit to Ysabel Ortega | Youtube

Ibinhagi din ng aktres na kailangan umano ay naaalagaan ng maayos ang mga manok lalo na sa early-stage pa lamang. Makumpleto sa bakuna, malinis na paligid at tirahan, upang malayo sila sa sakit at mga mikrobyo at langaw na makakaapekto sa kanilang kalusugan.

credit to Ysabel Ortega | Youtube

Sa vlog ipinakita din ni Ysabel kung paano nila hinaharvest ang mga manok. Mas maaga umano silang naka harvest dahil naabot na ng mga manok ang target na timbang na 1.55 kilos para sila ay pwede nang iharvest. Sa loob pa lamang ng 28 araw ay handa na ang mga manok at umabot pa sa 1.6 hanggang 1.7 kilograms.

Mayroon din silang beterinaryo na regular na bumibista sa kanilang poultry farm para masiguro ang kalusugan ng mga manok at maihanda sila sa harvest time. Kapag hand ana ang mga manok ay dadalhin na sila sa dressing plant para doon linisin at maibenta na sa merkado.

Continue Reading
Advertisement
Loading...

Trending