Connect with us

Entertainment

Zen-Style Family House na may PBB-Inspired na Tahanan ni Robi Domingo

Maaring isa ka rin sa napakaraming sumubaybay ng reality competition TV show na Pinoy Big Brother o PBB. Marahil ay pamilyar ka na sa bahay ni ‘Kuya’ at sa iba’t-ibang mga artistang dumaan dito at naging produkto ng show na ito.

Isa na nga si Robi Dominggo sa mga nagtagumpay sa mga tasks at hamon ni Kuya at nanalo bilang 1st runner up sa PBB Teen Edition Plus.

Pagkalabas sa Bahay ni Kuya, malaking industriya ang sumalubong kay Robi. At dahil sa angking galing nito hindi lamang sa pag-arte kundi pati narin sa husay sa hosting, naging makulay at matagumpay ang kanyang karera sa showbiz.

Sa latest vlog ni Robi, ipinakita nya ang kanilang bahay na may malaking parte umano sa buhay ng aktor. Ang kanilang family house umano ang naging tahanan nito pagkalabas niya sa Bahay ni Kuya.

Makikita sa video na may kalakihan ang kanilang bahay at “PBB-inspired”din ang ambience nito. May mga nagluluntiang halaman ang bubungad sa iyo pagkapasok sa kanilang gate, at may mga halaman din sa paligid ng bahay dahil mahilig umano magtanim ang kanyang daddy, lalo na ang pag-aalaga ng mga bunny-eared cactus.

Ang bahay ay Zen-type dahil mahilig umano ang mga magulang ni Robi sa mga Japanese na mga kagamitan. Napakalawak ng espasyo, high-ceiling, at one-with-the-nature inspired and luob ng bahay.

Mayroon ding maliit na bar area kasama ng dining area na may mga porcelain jars, wooden furniture, at iba pang mga kagamitan at palamuti.

Ayon kay Robi, parang PBB house inspired umano ang kanilang bahay dahil mayroon itong storage room na punong-puno ng mga pagkain.

Isa sa mga nakaw pansin din umano sa kanilang bahay ang isang baby grand piano na bigay umano ni Dra. Vicky Belo.

Sa isang bahagi ng bahay naroon ang kanilang entertainment area kung saan umano nagaganap ang mga diskusyong ng pamilya tungkol sa kanilang buhay, pag-ibig, politika, at doon din sila nanood ng TV, movies, boxing, naglalaro ng playstation, at iba pa.

Isa pa sa mga dahilan kung bakit PBB-inspired umano ang kanilang bahay ay dahil mayroon silang confession/prayer room patungo sa kanilang second floor.

Ipinakita din ni Robi ang loob ng kanyang kwarto kung saan ay nagshe-share umano sila ng kanyang kapatid at magkatabi sa pagtulog dahil pareho umano silang matatakutin. Ang kapatid din daw nito ang nag mamanage ng ilang mga negosyo nito.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending