Connect with us

Entertainment

Zsa-Zsa Padilla, ipinasilip ang ganda ng Bagac,Bataan at pati na rin ang pagsurpresa sa batang si “Yorme”

Malayo sa ingay, siksikan at polusyon ng Metro Manila, isang napakagandang tanawin ang binisita at ibinahagi ng aktres at sikat na singer na si Zsa Zsa Padilla sa kanyang latest vlog na Summer in December sa kanyang YouTube Channel na buhay probinZsa.

Ang aktres ay nagtungo sa Bagac, Bataan kung saan makikita ang mga nag-gagandahang mga tanawin kagaya ng napakalinis na dagat, mga lumang bahay, at musem. Ngunit hindi lamang pamamasyal ang kanyang pakay roon dahil nais din nitong surpresahin ang batang si “Yorme” na napaka-cute at napakabibong si Aaron Sunga.

credit to Zsa-Zsa Padilla | youtube

credit to Zsa-Zsa Padilla | youtube

Sa simula ng video, makikitang ang batang Yorme ay nakabihis ng maayos, ito ay nakabarong at naka-pantalon ng pormal at tila mayroon itong shooting bilang host na nagsasalaysay tungkol sa kung ano ang makikita sa lugar ng Bagac, Bataan.

credit to Zsa-Zsa Padilla | youtube

credit to Zsa-Zsa Padilla | youtube

Sa kabilang dako, nilibot naman ng aktres ang labas at loob ng Casa Filipinas de Acuzar kung saan may isang napakalaking museum na mayroong napakagandang mga handmade nga mga wooden crafts mula sa mga kahoy ng mga bahay na hindi na umano tinitirhan. Ang museum ay nagsisilbi ding theater kung saan pwedeng mag concert.

credit to Zsa-Zsa Padilla | youtube

credit to Zsa-Zsa Padilla | youtube

Samantala, sa bandang huli ng vlog, sumubok din si Zsa Zsa na magluto ng bibingka at puto bungbong, ilan sa mga sikat na mga kakanin tuwing kapaskuhan.

credit to Zsa-Zsa Padilla | youtube

credit to Zsa-Zsa Padilla | youtube

At dahil ang pasko raw ay para sa mga bata, napag-isipan din ng aktres na surpresahin at bigyan ng napakaraming regalo si Yorme dahil na mimiss daw nya ito pati na rin ng kanyang anak na si Karylle dahil matagal din nilang hindi nakita si Yorme simula noong nagkapandemya.

credit to Zsa-Zsa Padilla | youtube

Makikita sa kanyang vlog na close talaga sila ng bata at masayang-masaya itong nakita ang aktres. Labis-labis naman ang tuwa ni Yorme sa napakaraming mga laruan na binigay sa kanya ng aktres, kasama na ang mga tsokolate. May natanggap din itong pera na para umano ay pambaon nito.

Masayang naglaro si Zsa Zsa at Yorme sa gilid ng dagat sa Batac, Bataan na talaga naming nakaka-good vibes at nakakaalis ng mga problema at pagod.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending